^

Bansa

Duterte sasama sa PCG, magpapatrulya sa West Philippine Sea

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Duterte sasama sa PCG, magpapatrulya sa West Philippine Sea
Ito ang sinabi ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte nang pangunahan ang pagkomisyon sa bagong barko ng PCG na Barko ng Republika ng Pilipinas (BRP) Melchora Aquino sa Maynila, kahapon.
Presidential Communications Facebook page

Kahit ‘di na Pangulo

MANILA, Philippines — Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na makapunta siya sa West Philippine Sea (WPS) kasama ang Philippine Coast Guard (PCG) kahit tapos na ang kanyang termino sa Hunyo 30.

Ito ang sinabi ni Pa­ngulong Duterte nang pangunahan ang pagkomisyon sa bagong barko ng PCG na Barko ng Republika ng Pilipinas (BRP) Melchora Aquino sa Maynila, kahapon.

“But anyway, someday I could maybe ride with the Coast Guard to see. Maski na civilian na ako, sana bigyan ninyo akong kaunting ano lang—I do not expect more—‘yung kaunting—that you can invite me to ride with you,” sinabi ng Pangulo.

Sa nasabing aktibidad, iginiiit din ng Pa­ngulo ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea.

Bagama’t itinutu­ring niyang kaibigan si Chinese President Xi Jinping, sinabi ni Duterte na hindi niya raw pababayaan ang soberenya ng bansa sa nasabing karagatan.

Pinasalamatan din ng Pangulo si Transportation Secretary Arthur Tugade sa mga nagawa nito sa kanyang sektor.

Pinuri rin ng Pangulo ang Philippine Coast Guard, at sinabi pang may “excellent record and participation” ito sa pagtulong sa gobyerno na mapanatili ang kasarinlan at integridad ng bansa.

Muli namang inulit ni Pangulong Duterte ang posisyon ng Pilipinas na hindi nito kakayanin na makipag-giyera sa China at sa halip ay ipagdasal na lang na ang dalawang bansa ay makakayang maresolba ang sea row sa pamamagitan ng pag-uusap.

June 1 nang duma­ting sa bansa ang 97 metrong barko mula sa Yamaguchi Prefecture, Japan.

Ayon sa PCG, may bilis na 24 knots ang barko at gagamitin sa pagpapatrolya sa teritoryo ng bansa kabilang ang West Philippine Sea at Philippine Rise.- Gemma Garcia

PCG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with