^

Bansa

Magkapit-bisig para makalaya ang Pinas sa COVID-19 pandemic – Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Magkapit-bisig para makalaya ang Pinas sa COVID-19 pandemic â Marcos
Sa Independence Day message na naka-post sa YouTube channel, sinabi ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos na maaari itong makamit ng mga Filipino sa pamamagitan ng paggamit sa kanilang katalinuhan at katapangan, mga kata­ngian, na ayon sa kanya ay naipasa ng kani-kanilang mga ninuno simula ng proklamasyon ng kalayaan mula sa Espanya (Spain) noong 1898.
AFP / Ron Lopez

MANILA, Philippines — Sa paggunita ng Araw ng Kalayaan kahapon, umapela si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga mamamayang Pilipino na magkapit-bisig para palayain ang bansa mula sa COVID-19 pandemic at paghahati-hati sanhi ng “cancel culture.”

Sa Independence Day message na naka-post sa YouTube channel, sinabi ni Marcos na maaari itong makamit ng mga Filipino sa pamamagitan ng paggamit sa kanilang katalinuhan at katapangan, mga kata­ngian, na ayon sa kanya ay naipasa ng kani-kanilang mga ninuno simula ng proklamasyon ng kalayaan mula sa Espanya (Spain) noong 1898.

Aniya, nakikipag-usap na siya sa mga eksperto hinggil sa plano para makamit ang kala­yaan mula sa COVID-19, partikular na para sa mga manggagawa at maliliit na negosyo na labis na naapektuhan ng pandemiya.

Bukod dito, makiki­pagtulungan umano ang incoming administration sa mga lider mula sa iba’t ibang bansa  partikular na mula sa southeast Asian neighbors ng Pilipinas, upang matulungan ang bansa na maka-recover mula sa epekto ng COVID-19.

Noong nakaraang linggo, nakipagkita si Marcos sa ilang envoys mula sa mga member-countries ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN): Johariah Wahab ng Brunei, Phan Peuv ng Cambodia, Agus Widjojo ng Indonesia, Songkane Luangmuninthone ng Laos, Gerard Ho ng Singapore, Thawat Sumitmor ng Thailand, at Hoang Huy Chung ng Vietnam.

FERDINAND “BONGBONG” MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with