^

Bansa

Marcos nakikitang lalago ang relasyon ng Philipiines at China

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatitiyak si Presi­dent-elect Ferdinand Marcos Jr. na lalago pa at lalakas ang relasyon ng Pilipinas at China sa iba’t ibang paraan at larangan.

Sa Award for Promo­ting Philippines-China Understanding, sinabi ni Marcos na sa pagtutulungan at komunikasyon, ang ugnayan ng Pilipinas at China ay lumago at lumakas sa paglipas ng mga taon.

Sinabi ni Marcos na hihikayatin niya na ang relasyon ng Phl at China ay hindi lamang para sa pormal na kahulugan ng negosyo o government-to-government, o public at private partnerships.

“I will encourage our relationship to not only be in the very strict and formal senses of business, of government-to-government, or public and private partnerships,” ani Marcos.

Sinabi ni Marcos na ang mga paghihirap at pagkakaiba ng dalawang bansa ay makakatulong sa patuloy na komunikasyon at pagsusulong ng interes ng Pilipinas at China.

Tiniyak din niya na ipagpapatuloy niya ang independiyenteng patakarang panlabas ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte, kung saan ang kasalukuyang gobyerno ay may “malambot” na paninindigan pagdating sa Beijing.

Naniniwala si Marcos na ang patakarang ito ay kapaki-pakinabang hindi lamang sa China kundi maging sa ibang mga bansa.

“Perhaps, we will con­tinue what President Duterte has started, what has been described as an independent foreign policy, and this is what we feel is best in the national interest and I think it is to be advantageous not only to our friends in China but to all our friends around the world,” ani Marcos.

Ginawa ni Marcos ang pahayag sa gitna ng paghahain ng protesta ng Department of Foreign Affairs laban sa China dahil mahigit 100 sasakyang pandagat ng China na bumalik sa Julian Felipe Reef.

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with