^

Bansa

Guevarra, Remulla nagpulong sa DOJ transition

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Guevarra, Remulla nagpulong sa DOJ transition
This file photo shows Justice Secretary Menardo Guevarra.
The STAR / Rudy Santos, File

MANILA, Philippines — Nagsagawa ng una nilang pagpupulong sina Department of Justice outgoing Secretary Menardo Guevarra at incoming Secretary Boying Remulla para sa transisyon sa pagpapalit ng administrasyon sa katapusan ng buwan.

Tumagal ng dalawang oras ang pulong na pinag-usapan ang iba’t ibang isyu na kinakaharap ng departamento. Hindi naman ito isiniwalat ni Remulla na nagsabing maaaring isang pulong pa ang maganap.

“We might ask for a se­cond one kasi masalimuot talaga ang problema ng sistema na kailangan natin isaayos,” saad ni Remulla.

Una nang inihayag ni Guevarra ang importansya ng transition meeting para sa walang paghinto ng ope­rasyon ng DOJ at maayos na pagpapasa ng mga gawain at responsibilidad.

May siyam na suhestiyon umano siyang ibinigay sa papasok na bagong kalihim ng DOJ. Kasama rito ang pagpapatupad ng ‘3-year joiunt program’ kapartner ang United Nations ukol sa proteksyon sa karapatang pantao, ‘digitization’ ng lahat ng rekord ng mga bilangguan, at pagpapatuloy sa ‘immigration modernization bill’.

Kasama ni Remulla sa pulong sina Foreign Affairs undersecretary Brigido Dulay at abogadong si Jesse Andres. Sa kabila nito, tumanggi muna si Remulla na pangalanan kung sino ang mga opisyal na isasama niya sa DOJ.

DOJ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with