^

Bansa

'P272 milyon lang': Gastos sa kampanya ng partido ni Marcos Jr. inilabas

Philstar.com
'P272 milyon lang': Gastos sa kampanya ng partido ni Marcos Jr. inilabas
Kuha ni president-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
Mula sa Facebook page ni Bongbong Marcos

MANILA, Philippines (Updated 2 p.m.) — Kung ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) nina president-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang paniniwalaan, umabot lang sa P272 milyon ang nagastos nila para sa eleksyong 2022.

Ito ang isiniwalat ni George Briones, general counsel ng PFP, pagdating sa kanilang statement of contributions and expenditures (SOCE) na ihahain sa Commission on Elections (Comelec) ngayong Lunes.

"The PFP spent P272 million by way of expenses in the last 2022 presidential campaign, which is well below the maximum expenditure of P337 million allowed by law for a national political party," ani Briones kanina.

"The PFP SOCE was signed and prepared by PFP National Treasurer Antonio Ernesto 'Anton' Lagdameo who was recently nominated as by President Elect Ferdinand Marcos, Jr. as his SAP or Special Assistant to the President."

Ang spending limit para sa mga political party ay nasa P5 kada botante na aabot sa P337 milyon. Para sa mga kandidato sa pagkapangulo at pagkabise presidente, P10 kada botante ang pinapayagan, na aabot sa P675 milyon. Inaasahang maghahain din si Marcos Jr. ng sarili niyang SOCE.

Ang naturang SOCE ng PFP ay sinasabing aabot ng 400 pahina. Si Marcos Jr. ang kasalukuyang tumatayong chairperson ng partido.

Ang PFP SOCE ang pinal na rekisitos mula sa partido alinsuod sa Election Code atbp. Comelec resolutions.

"[This is] after the peaceful May 9, 2022 National and Local Elections with an 82% voting attendance which gave us a president who won and was elected by the majority of our people or by 31 million Filipinos," dagdag pa ni Briones.

Tanging si Sen. Panfilo "Ping" Lacson pa lang ang nagsumite ng kanyang SOCE sa 10 kumandidato sa pagkapangulo ngayong 2022. Hinihingi ito ng Comelec para malaman ang ginastos para sa isang halalan, kabilang ang mga donasyon at kung may sobra pa sa pondo. Meron kasing "spending limit" para rito.

Kinukumpirma pa naman sa Comelec kung natanggap na nila ang SOCE ng PFP pati na ng iba pang presidential candidates.

Dati nang inaakusahang nagpapatakbo ng "troll farms" — na nangangailan ng malaking pondo — si Marcos Jr. dahil sa mga naglipanang disinformation tungkol sa kanilang pamilya sa social media, bagay na kanyang itinatanggi.

Kilala ang pamilya Marcos para sa ill-gotten wealth lalo na noong panahon ng diktadurya ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., bagay na kinikilala sa Supreme Court decisions noong 2003, 2012 at 2017.

Sa Miyerkules nakatakda ang deadline ng paghahain ng SOCE ng mga kumandidato, na siyang hindi na ie-extend ng Comelec.

Matatandaang iprinoklama ng Konggreso bilang susunod na pangulo si Marcos matapos umani ng 31.62 milyong boto. — James Relativo at may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag at The STAR/Edu Punay

Antabayanan ang mga karagdagang detalye sa balitang ito

vuukle comment

2022 NATIONAL ELECTIONS

BONGBONG MARCOS

COMMISSION ON ELECTIONS

PARTIDO FEDERAL NG PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with