^

Bansa

Watawat sa bahay-bahay, negosyo itinutulak ni BBM

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Presiden-elect Ferdinand Marcos Jr., ang publiko na mag-display ng watawat ng Pilipinas sa labas ng kanilang mga bahay, business establishment at maging sa kanilang mga sasakyan para maipakita ang kanilang pagiging makabayan lalo na ngayong paggunita sa Araw ng Kasarinlan sa Hunyo 12.

Sa kanyang vlog na ipinost sa FB page, inayunan ni Marcos ang mga komento ng kanyang mga supporters na ibalik ang “patriotic tradition” sa pamamagitan ng pagwawagayway ng watawat ng Pilipinas sa mga bahay, paaralan, business establishments, government offices at maging sa mga sasakyan ngayong independence day na umano’y naging gawi ng administrasyon ng kanyang namayapang ama na si Marcos Sr.

Ayon kay Marcos, ang pagdi-display ng watawat ng Pilipinas sa mga pribado, pampubliko at maging sa mga commercial establishments ay magandang paalala lalo na sa mga kabataan na laging isipin ang kapakanan at minamahal na bansa.

“I agree with you all, we should encourage all those business establishments nationwide, government or otherwise, to display and be proud of our Philippine flag,” sabi pa ni Marcos.

Sa naunang twitter post ni Marcos noong May 28 sa paggunita ng National Flag Day, nanawagan siya sa mga Filipino na iwagayway ang watawat ng Pilipinas  na sumisimbolo sa kalayaan, kagitingan at pagkakaisa ng bansa.

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with