^

Bansa

BBM kay Ople: Pamilya ng OFWs pangalagaan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mahigpit umano ang tagubilin ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. kay incoming Department of Migrant Workers (DMW) chief, Susan Ople, na tiyaking mapapangalagaan ang pamilya ng mga OFW, gayundin ang mga returning migrant workers sa sanda­ling manungkulan na sila sa puwesto.

Sa kanyang panig, tiniyak naman ni Ople kay BBM na gagawin niya ang lahat upang maisakatuparan ang tagubilin nito.

Ayon kay Ople, makikipagtulungan sila sa mga local government units (LGUs) at sa barangay level hinggil dito.

“Alagaan ‘yung OFWs at ’yung pamilya. Mag-roll out kami ng programa. Kumonsulta ako sa mga spesyalista kung paano maalagaan din ‘yung mga pamilya. At very concerned siya sa mga anak, ‘yung mga anak na parehong magulang ang wala,” ani Ople, sa panayam sa teleradyo.  “So we will work with the LGUs tungkol diyan, even sa barangay level.”

Sinabi rin ni Ople na bukod dito, nais din ni Marcos na tulungan ng DMW ang mga returning OFWs na makahanap ng trabaho o magkaroon ng oportunidad para makapag-negosyo.

BONGBONG MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with