^

Bansa

Kaso vs De Lima ibasura na sa pagbaliktad ng ika-4 na testigo — abogado

James Relativo - Philstar.com
Kaso vs De Lima ibasura na sa pagbaliktad ng ika-4 na testigo â abogado
Philippine Senator Leila De Lima, a former human rights commissioner who is one of Duterte's most vocal opponents, waves to her supporters after appearing at a court in Muntinlupa City, suburban Manila on February 24, 2017. The highest-profile critic of Philippine President Rodrigo Duterte's brutal drug war was arrested February 24 on charges supporters said were meant to silence her, but she vowed to keep campaigning against killings and "repression".
AFP/Noel Celis, File

MANILA, Philippines (Updated 5:46 p.m.) — Winelcome ng kampo ni Sen. Leila de Lima ang counter-affidavit ng ikaapat na testigong bumawi sa testimonyang nagdidiin sa opposition lawmaker sa kalakalan ng droga — dahilan para muli nilang igiit ang pagbabasura ng drug charges.

Kamakailan lang nang baliktarin ni Marcelo Adorco, susing testigo ng gobyerno, ang kanyang mga alegasyon laban kay De Lima at self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa. Gaya ng iba pang mga testigo, iginiit ni Adorco na nagsalita lang siya noon dahil sa pangamba sa kanyang buhay at kaligtasan.

"Sa tingin namin, sumasalamin ito sa matagal na naming sinasabi na ang mga kaso laban kay Senator De Lima ay pawang gawa-gawa lamang ng mga taong tinakot at ginipit para gumawa ng kasinungalingan at palabasin na si Senator De Lima ay sangkot sa bentahan ng ilegal na droga," ani Filibon Tacardon, abogado ni De Lima.

"Lumalabas na ang totoo kaya patuloy ang panawagan namin sa [Department of Justice] na muling suriin ang mga kasong isinampa nila laban kay Senator De Lima at tuluyan nang ibasura ito at palayain ang mahal nating Senadora."

Una nang binawi nina Espinosa, dating Bureau of Corrections officer-in-charge Rafael Ragos at Ronnie Dayan ang kanilang mga pahayag laban kay De Lima na nagdidiin sa huli sa illegal drug trade sa Bilibid.

Pare-pareho nilang sinabing pinwersa sila ng Philippine National Police, dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, atbp. na magsalita laban sa senadora. Sa kabila nito, itinatanggi ito ni Aguirre.

Umaasa naman si De Lima na maeengganyo nito ang iba pang aminin ang katotohanan upang mapatunayang walang sala patungkol sa mga reklamong ipinupukol sa kanya.

"As Duterte, the mastermind behind my unjust detention, is about to step down from power, we’ve seen the pattern of personalities finally speaking the truth and finding it in their conscience to retract their allegations implicating me in the illegal drug trade," sambit ni De Lima.

"Gaya ng lagi kong sinasabi: Naipakulong man nila ako, hinding-hindi nila maikukulong ang katotohanan na ako ay inosente. Lagi’t laging lalabas at mananaig ang katotohanan at hustisya."

Kilalang kritiko ng human rights record at madugong war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte si De Lima.

Ngayong buwan lang nang sabihin ni incoming Justice Secretary Cavite Rep. Boying Remulla na bukas siyang i-review ang mga kaso laban kay de Lima.

Taong 2021 nang ibasura ng korte ang isa sa tatlong drug charges laban sa senadora. Limang taon na siyang nakakulong para sa mga nasabing reklamo.

'Sumusunod kami'

Sa isang statement na in-email sa Philstar.com, iginiit ng JoyRide PH SVP for Corporate Affairs na si Noli Eala na "100% compliant" sila sa fare structure ng LTFRB lalo na't naka-reflect ito sa kanilang app.

"JoyRide respectfully takes exception to the allegations in the LTFRB Statement dated June 2, 2022... JoyRide is completely unaware of any such findings made by the LTFRB up to this date," ani Eala.

"[I]f the passenger were to book his/her ride through our app, in full transparency, it will compute a rate based on a base fare, distance, and time which follows the LTFRB guidelines."

Sa kanilang pagkakaalam, pinagpapaliwanag lang sila patungkol sa isang anonymous complaint para sa diumano'y P1,000 pamasahe, habang burado't hindi raw klase ang ilang detalye gaya ng pickup at drop-off point sa nasabing kaso.

Wala na raw iba pang komunikasyon o desisyon na nakarating pa sa kanila patungkol dito kung kaya't gulat na gulat daw ang JoyRide sa statement ng LTFRB ngayong araw.
Paglilinaw pa nila, ang "priority fee" ay optional para bigyan ng tip ang isang driver-partner.

"JoyRide would like to reassure the riding public, our driver-partners and our regulators that JoyRide will always comply and follow the terms and conditions of the Certificate granted to us as a bona fide Transport Network Company (TNC)," panapos ni Eala.

"It will always be our avowed purpose to serve our stakeholders with efficiency, affordable pricing and continuous accessibility for all keeping in mind the values for which JoyRide has been known for - utmost integrity, professionalism, and dedication."

LEILA DE LIMA

WAR ON DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with