^

Bansa

DOH: 8-buwang 'smoking ban' sa ilang beach, parke at tourist spots simula na

Philstar.com
DOH: 8-buwang 'smoking ban' sa ilang beach, parke at tourist spots simula na
File photo ng lalaking nagsisindi ng sigarilyo
The STAR/Russell Palma, File photo

MANILA, Philippines — Inilunsad ng Department of Health ang kampanyang "smoke-free beaches, parks and tourist destinations" ngayong araw, kasabay ng pagdiriwang ng "World No Tobacco Day."

Ang kampanya, ayon sa DOH, ay magsisimula ngayong ika-31 ng Mayo at tatagal ng walong buwan. Sakop nito ang ilang lugar sa Boracay Island, Aklan atbp.

"To further strengthen our campaign against the use of tobacco, we have included this initiative to protect our beaches, parks, and tourist destinations from the environmental ill-effects of this product," ani Health Secretary Francisco Duque III, Martes.

"With this, we hope to further raise awareness and create new areas of impact in our overall effort to ensure the health of the Filipino people."

Kasama sa mga "pilot areas" para sa smoke-free beaches campaign ang sumusunod bilang showcase:

  • Boracay 
  • Palawan
  • Caramoan
  • iba pang "premiere beach destinations"

Taun-taon, aabot sa 4.5 trilyong sigarilyo ang itinatapon bilang basura habang 4.2 milyong upos ng yosi naman ang nauuwi sa mga dalampasigan at waterways. Ayon sa tobacco watchdog na Stopping Tobacco Organizations and Products (STOP), napag-alaman nang may masamang epekto at plastic at kemikal ng yosi sa mga lamang-dagat at kaledad ng tubig.

Ang naturang inisyatiba ay ikinasa sa pakikipagtulungan sa SmokeFree Aklan, Action on Smoking and Health at World Health Organization - Philippine Country Office.

"We hope that through the smoke-free beaches campaign, we unify the goal of the DOH to provide universal health care, which includes giving families an environment that lets them enjoy healthily without exposure to the harmful effects of second-hand smoke," panapos ni Duque.

Ipinagbabawal ng Republic Act 8749 (Philippine Clean Air Act of 1999) at R.A. 9211 (Tobacco Regulation Act of 2003) ang paninigarilyo sa loob ng enclosed public spaces at ilang pampublikong lugar.

Itinatakda ng Executive Order 106 ang ilang "designated smoking/vaping area" kung saan pinapayagan ang pagyoyosi. — James Relativo

AKLAN

BORACAY

CIGARETTE

DEPARTMENT OF HEALTH

PALAWAN

PARK

TOBACCO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user