^

Bansa

Telcos inalerto ng NTC vs text scam

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng telecommunications companies sa bansa na pangalagaan ang publiko laban sa mga text scam tulad ng pag-iisyu ng alerts laban sa spam text messages na nag-aalok ng mga trabaho na may mataas na sahod.

Partikular na inutusan ng NTC ang telco companies na Globe, Smart at DITO na magpadala ng text blasts sa kanilang subscribers na may mensaheng: “Babala: Huwag pong maniwala sa text na nag-aalok ng trabaho na may pangako ng malaking sweldo, ito po ay scam.”

Binigyan ng palugit ng NTC ang telcos nang hanggang Hunyo 8, 2022 upang makapagsumite ng kanilang compliance report hinggil sa naturang direktiba.

Ipinag-utos din ng NTC sa regional directors at officers-in-charge na lumabas sa local radio at television stations na abisuhan ang publiko laban sa fraudulent text scams mula Mayo 28 hanggang Hunyo 11, 2022. May deadline na hanggang June 5, 2022 ang mga telcos para magpasa ng compliance report hinggil dito.

Nauna nang nagbabala ang technology experts laban sa spam messages, at sinabing nagpapasa ang scammers ng mga ganitong mensahe upang makakuha ng personal na detalye ng mga biktima.

Noong Abril ay hindi nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang mandatory registration ng lahat ng SIM cards at social media accounts, dahil nangangailangan pa umano ito ng mas masu­sing pag-aaral.

NATIONAL TELECOMMUNICATIONS COMMISSION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with