^

Bansa

Imee ‘di target maging Senate prexy

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nilinaw ng kapatid ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na si Sen. Imee Marcos na hindi niya target na maging susunod na Senate President o kumuha ng kahit anong mataas na posisyon sa Senado sa 19th Congress.

Sa isang panayam, sinabi ni Sen. Imee na ang nais lang niya ay tuloy-tuloy ang trabaho sa Senado.

Anya, magsisilbi lang siyang “super ate” ni Bongbong sa Senado.

Matatandaan na sinabi ni Sen. Sonny Angara na interesado si Imee at Se­nator-elect Loren Legarda sa pagka Senate President Pro-Tempore na pangalawang pinakamataas na posisyon sa Senado.

Bukod pa rito, target din umano ni Imee na maging susunod na chairman ng Senate finance committee na hawak ni Angara ngayong 18th Congress.

Sa kasalukuyan, sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Sens. Cynthia Villar, Sherwin Gatchalian at nagbabalik-Senado na si Sorsogon Gov. Francis Escudero ang naglalaban-laban para makuha ang pinakamataas na posisyon sa Senado.

Sa kabila nito isinusulong naman ni Imee ang Senate presidency bid ni Villar.

IMEE MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with