^

Bansa

War on drugs sa bagong admin, mas paiigtingin — PNP

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
War on drugs sa bagong admin, mas paiigtingin â PNP
Ayon kay PNP Director for Operations, PMGen. Valeriano T. De Leon, naglabas sila ng direktiba sa lahat ng mga police commanders na doblehin ang kampanya laban sa illegal drugs na patuloy na namamayagpag.
Noel Celis / AFP, File

MANILA, Philippines — Tuloy at mas paiigtingin pa ng Philippine National Police ang kanilang kampanya laban sa illegal drugs kasabay ng pagtatapos ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 30.

Ayon kay PNP Director for Operations, PMGen.  Valeriano T. De Leon, naglabas sila ng direktiba sa lahat ng mga police commanders na doblehin ang kampanya laban sa illegal drugs na patuloy na namamayagpag.

“Walang humpay at lalo pa natin paigtingin.” We have just developed a new policy for this. Hindi natin hihintuan ang operations laban sa illegal na droga. Walang bitawan. It is our inherent function,” ani De Leon.

Sinabi ni De Leon na may bagong istratehiyang ginagawa ang PNP upang masawata ang operasyon ng mga drug syndicate.

Dodoblehin din aniya ng PNP ang information drive at education campaign sa mga estudyante na kadalasang target customers ng illegal drug syndicates.

Pagtutuunan din ang rehabilitasyon at reintegration ng mga drug dependents.

Naniniwala si De Leon na papaboran ni incoming President Ferdinand Marcos ang kampanya ng PNP laban sa droga.

Sinuportahan din ni De Leon ang pahayag ni PNP OIC PLt Gen. Vicente Danao na maliit lamang na porsiyento ng pulis ang sangkot sa illegal drugs.

WAR ON DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with