Medical insurance requirement sa face-to-face classes ‘di na kailangan
MANILA, Philippines — Hindi na requirement ang medical insurance para makadalo sa face-to-face classes ang mga estudyante sa kolehiyo, ayon sa Malacañang.
Inihayag ni Deputy Presidential Spokesman at PCOO Undersecretary Kris Ablan na binawi na ng Inter-Agency Task Force ang medical insurance requirement para sa mga estudyante na dadalo sa face-to-face classes base na rin sa rekomendasyon ng Commission on Higher Education.
Nauna rito, inatasan ang mga higher education institutions (HEIs) na tiyaking ang mga estudyante ay nakarehistro sa PhilHealth o may medical insurance na sasagot sa medical expenses para sa COVID-19 sakaling magkasakit ang mga ito.
Nitong Marso ay pinayagan ng IATF ang mga HEIs na nasa ilalim ng Alert Level 1 na magsagawa ng mga face-to-face classes ng hanggang 100 percent classroom capacity pero para lamang sa mga estudyante, teaching at non-teaching personnel na kumpleto ang bakuna.
- Latest