^

Bansa

E-sabong pinatatanggal sa mga e-wallet apps

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
E-sabong pinatatanggal sa mga e-wallet apps
Sinabi ng BSP na ­alinsunod ito sa inilabas na Memorandum 2022-026 para sa lahat ng ‘financial institutions’ na nasa ilalim ng kanilang superbisyon.
STAR/File

MANILA, Philippines — Ipinag-utos na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagpapatanggal sa lahat ng e-wallet applications ang lahat ng “e-sabong operators” sa listahan ng online payment kasunod ng pagsususpinde sa operasyon nito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ng BSP na ­alinsunod ito sa inilabas na Memorandum 2022-026 para sa lahat ng ‘financial institutions’ na nasa ilalim ng kanilang superbisyon.

Matatandaan na ini­labas ng Pangulo ang kautusan base sa naging rekomendasyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ipahinto ang operasyon ng lahat ng operators ng e-sabong dahil sa kinasasangkutang sari-saring kontrobersya.

“The BSP reiterates that BSFIs should only deal with gambling and/or online gaming businesses that are allowed to operate by the appropriate government agency,” ayon kay outoging BSP Governor Benjamin Diokno.

Dapat namang abisuhan ng mga e-wallet companies ang kanilang mga kustomer na may nalalabi pang balanse sa kanilang e-sabong accounts na i-withdraw na ang kanilang pera bago tuluyang matanggal ito sa app.

Pinagsabihan rin ang mga financial institutions na dapat paigtingin ang pagbabantay sa mga transaksyon, pag-uulat ng mga kahina-hinalang galaw ng pera, at pahigpitin ang ‘access’ nito sa mga menor-de-edad.

BSP

SABONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with