^

Bansa

Bong Go, umaasang interes ng OFWs sa DMW, mangingibabaw

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iginiit ni Senador Christopher “Bong” Go ang kanyang pangakong susuportahan ang bagong likhang Department of Migrant Workers at hinimok ang papasok na pamunuan na pagsisilbihan ang mabuti ang interes ng overseas Filipino workers.

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11641 noong Disyembre 30, 2021 na lumilikha sa DMW. Layon nito na mapabuti ang koordinasyon sa mga ahensyang tumutugon sa mga suliranin ng mga migranteng manggagawang Pilipino.

Ang Senate Bill No. 2234 na inakda at itinataguyod ni Go ay pinagsama-samang bersyon ng isang naunang panukalang batas na ipinakilala niya upang itatag ang Department of Overseas Filipino Workers na magtitiyak sa mahusay at epektibong paghahatid ng mga kritikal na serbisyong pampubliko sa mga migranteng manggagawang Pilipino.

Sinabi ni Go na ang DMW ay naglalayong ipagtanggol at pangalagaan ang mga karapatan at interes ng mga modernong bayani ng bansa.

“Kaya nga natin sila binigyan ng sariling departamento para mayroon pong mag-aaruga sa kanila, mag-aasikaso na hindi na sila kailangan pang magmakaawa o tumakbo sa ibang ahensya para humingi ng tulong sa iba pang opisina,” ipinunto ng senador.

Sa gitna ng mga transisyonal na hamon, inaasahan ni Go na mapabibilis ng papasok na administrasyon ang pagtatatag ng bagong tanggapan upang maging operational ang ahensya at agad na makapagsilbi sa mga migranteng manggagawa.

vuukle comment

DMW

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with