^

Bansa

Korte ibinasura kasong 'indirect contempt' vs De Lima, abogado

James Relativo - Philstar.com
Korte ibinasura kasong 'indirect contempt' vs De Lima, abogado
Detained Sen. Leila M. de Lima attends the continuation of trial on the third drug case filed against her at the Muntinlupa Regional Trial Court Branch 256 on Feb. 16, 2021.
Released / Sen. Leila De Lima's office, File

MANILA, Philippines — Ibinasura na ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206 ang "indirect contempt" civil case laban sa nakakulong na si Sen. Leila de Lima at abogadong si Filibon Tacardon, bagay na isinampa dahil sa ilang pahayag sa media ng ikalawa.

Disyembre 2020 nang maghain ng kasong indirect contempt laban sa dalawa matapos sabihin ni Tacardon na inabswelto ng mga opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Anti-Money Laundering Council (AMLC) si De Lima mula sa drug charges. 

Sinabi rin ni Tacardon noon sa media na inamin ng isang drug lord sa witness stand na hindi niya pa nakakasalamuha si De Lima. Dinamay si De Lima sa kaso dahil sa pagpayag kay Tacardon na sabhin ang mga nabanggit.

Una nang sinabi ng mga prosecutor na paglabag ang mga pahayag sa "subjudice rule" na pumipigil sa mga partidong pag-usapan sa publiko ang mga merito ng nakabinbing kaso para mapigilan ang kalalabasan ng kaso. Contemptuous din ang mga "unreasonable" comments sa kondukta ng korte kaugnay ng kaso.

"The Court deciphered the comments and the utterances of respondent Atty. Tacardon to the various media outlets and find nothing therein that would create a 'clear and present danger' to the administration of justice,'" wika ng desisyong nilagdaan ni Presiding Judge Gener Gito na isinapubliko, Biyernes.

"What respondent Atty. Tacardon reported are the answers of the prosecution witnesses during their cross-examination. Respondent Atty. Tacardon reported the admissions made by those witnesses."

"WHEREFORE, in view of the foregoing, the petition to cide respondents Sen. Leila de Lima and Atty. Filibon F. Tacardon for indirect contempt is DISMISSED for lack of merit. Consequently, all other pending incidents are rendered MOOT and ACADEMIC."

Lumabas ang desisyon matapos bawiin ng confessed drug lord na si Kerwin Espinosa at key witness na si Rafael Ragos ang kanilang mga testimonyang nagdidiin kay De Lima kaugnay ng kalakalan ng iligal na droga. Aniya, humarap sila sa pagbabanta at pamimilit ng mga pulis atbp. otoridad kaya idiniin noon si De Lima.

Mayo lang din nang tumestigo ang dating bodyguard ni De Lima na si Ronnie Dayan na walang nangyaring pagpapadala ng drug money na nangyari sa bahay nina De Lima. Ni-recant din ni Dayan ang nauna niyang testimonya sa Kamara noong 2016 na tumanggap siya ng drug money mula kay Espinosa.

Matatandaang ibinasura ng korte ang isang drug case ni De Lima noong 2021, habang may natitira pa ring dalawa pa.

Martes lang nang sabihin ng susunod na kalihim ng Department of Justice na si Cavite Rep. Boying Remulla na bukas siyang i-review ang mga kaso laban sa nakapiit na opposition senator— may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag

INDIRECT CONTEMPT

LEILA DE LIMA

WAR ON DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with