^

Bansa

Bong Go: National vaccination drive tagumpay, COVID-19 active cases bumaba

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil patuloy na pagbaba ng aktibong kaso sa Pilipinas, pinuri ni Senador Bong Go ang national vaccination program laban sa COVID-19.

Ito’y matapos na iulat ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 chief implementer Secretary Carlito G. Galvez, Jr., sa Talk to the People ni Pangulong Duterte na ganap nang nabakunahan ng bansa ang 76.70% o 69,037,072 na Pilipino noong Mayo 23. Samantala, 81.69% o 73,529,148 na ang mga nakatanggap ng hindi bababa sa isang dose.

Bukod dito, patuloy rin umanong bumababa ang mga kaso ng COVID dahil iniulat ng NTF na mula sa 116,720 aktibong kaso simula noong Pebrero 7, ang bilang ay bumaba na ngayon sa 2,252 noong Mayo 22.

Dahil dito kaya pinuri ni Go ang gobyerno at lahat ng Pilipino sa matagumpay na kampanya ng bakuna at sa patuloy na pakiki­pagtulungan na humantong sa pagbangon ng bansa laban sa pandemya.

Tiwala naman ang Senador na bilang chairman ng Senate committee on health na dumaan sa masusi at maingat na pagsusuri ang mga bakuna bago inilabas sa publiko.

Paliwanag pa ni Go na ang mga eksperto sa pampublikong kalusugan ay higit na sumasang-ayon na ang mga bakuna ang pinakamabisang paraan ng proteksyon laban sa virus.

Bagama’t nananati­ling banta ang COVID-19, tiwala pa rin si Go sa pag-usad ng pagtugon sa pandemya ng bansa, kabilang ang mga pagsisikap nito sa pagbabakuna. Dapat din umanong gawin ng Pilipino ay makiisa sa kampanya laban sa COVID.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with