^

Bansa

Comelec officials na responsible sa nawawalang COCs, pananagutin

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Comelec officials na responsible sa nawawalang COCs, pananagutin
PPCRV volunteers count votes in the partial unofficial tally in the Quadricentennial Pavillion, UST, May 11. Bongbong Marcos Jr. leads the polls.
Philstar.com / Jazmin Tabuena

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na iimbestigahan at posibleng panagutin ang mga opisyal at tauhan nila na mapapatunayang responsable at nagpabaya sa pagkawala ng ilang mga ‘certificate of canvass (COC)’ na hindi agad naipadala sa Kongreso.

Sinabi ni Comelec spokesperson John Rex ­Laudiangco na magbibigay ng kanilang testimonya ang mga sangkot na tauhan para mabatid kung ano talaga ang nangyari at dedeterminahin ang kanilang kapabayaan.

Sa inisyal na ulat, nagkaroon umano ng ‘procedural error’ sa kanilang parte partikular na sa mga Provincial Board of Canvassers.

Ipinagpaliban ng National Board of Canvassers (NBOC) ang pag-canvass ng mga boto para sa presidente at bise-presidente sa Pampanga, Sultan Kudarat, Surigao del Sur, Mandaluyong City, Sulu at Maynila dahil sa nawawalang mga COC.

“Initial investigation showed, I believe it’s still a preliminary assessment on our part, nagkamali po ‘ata sila ng paglagay ng envelope. ‘Yung napaglagyan yata ng envelope was for another NBOC, hindi po ito ‘yung para sa president and vice president,” ayon kay Laudiangco.

Kaugnay nito, muling iginiit ng opisyal na walang ebidensya na may nangyaring ‘vote shaving’ o ‘vote padding’ sa katatapos na halalan.

COC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with