^

Bansa

Libreng sakay sa MRT-3 extended sa ika-3 sunod na buwan

Philstar.com
Libreng sakay sa MRT-3 extended sa ika-3 sunod na buwan
Commuters queue for the free ride at the MRT-3 North Avenue Station in Quezon City on Monday morning, March 28, 2022. The MRT-3 offers free rides to commuters for a month, from March 28 to April 30, following the completion of the rehabilitation project of the train system and as part of the government's effort to help ease the commuters' financial burden.
The STAR / Miguel de Guzman, File

MANILA, Philippines — Muling pinalawig ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang kanilang libreng sakay, bagay na io-offer sa mga pasahero hanggang ika-30 ng Hunyo.

Ito ang sinabi ng Department of Transportation (DOTr), Miyerkules. Ang naturang libreng sakay ay sinimulang ibigay sa linya ng MRT-3 noon pang Marso.

"Magpapatuloy ang libreng sakay sa MRT-3 hanggang ika-30 ng Hunyo 2022 sa kabuuan ng operating hours mula 4:40 a.m. hanggang 10:10 p.m.," wika ng DOTr sa isang pahayag kanina.

"Layon ng Department of Transportation (DOTr), sa pangunguna ni Secretary Art Tugade, at ng DOTr MRT-3 Management, na patuloy na makapaghatid ng tulong sa ating mga kababayang patuloy na naaapektuhan ng pagtaas ng mga bilihin at krudo."

"Ito rin ay upang mas marami pang Pilipino ang makinabang sa mas much-improved at newly-rehabilitated MRT-3!"

Matatandaang pinalawig ang nasabing serbisyo noong Abril at magtatapos sana ngayong buwan.

Simula nang mamigay ng libreng sakay ng MRT-3 sa mga mananakay, nakapagserbisyo na ang linya sa 15.38 milyong pasahero

Kasama na riyan ang nasa 351,592 train riders na sumakay noong ika-20 ng Mayo, ang pinakamataas na headcount simula nang muling magbukas ang naturang tren noong Hunyo 2020 matapos mahinto ang mga biyahe dulot ng COVID-19 pandemic. — James Relativo

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

FREE RIDE

MRT-3

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with