4-door strategy ikakasa ng DOH vs Monkeypox

A child affected by monkeypox, sits on his father's legs while receiving treatment at the centre of the International medical NGO Doctors Without Borders (Medecins sans frontieres - MSF), in Zomea Kaka, in the Lobaya region, in the Central African Republic on October 18, 2018. Monkeypox is a contagious disease, without remedy, which heals itself, but who can kill if not treated in time. Since May 2018, the monkeypox virus, which spreads in tropical Africa, has become a "public health threat" in the Central African Republic, according to the Pasteur Institute of Bangui.
AFP / Charles Bouessel

MANILA, Philippines — Magpapatupad ng “four-door strategy” ang pamahalaan kabilang ang paghihigpit sa mga borders ng bansa para hindi makapasok ang bagong monkeypox virus.

“Kasalukuyang 12 bansa na ang may pinakabagong kaso ng monkeypox. Kabilang dito ay siyam na bansa sa Europa pati na rin sa Estados Unidos, Canada at Australia. Dahil dito ang DOH ay pinaigting, katuwang ng ibang national agencies ang four-door strategy,” ayon kay Health undersecretary Abdullah Dumama Jr. sa lingguhang “Talk to the People.”

Kabilang sa istratehiya ay pagpapatupad ng mga restriskyon sa mga biyahero at pagpapatupad ng ban bilang pangunahing lebel ng depensa at dagdag sa umiiral na mga health protocols na ipinatutupad kontra COVID-19.

Pagsasagawa ng ‘scree­ning, testing at qua­rantine’ sa mga ‘points of entry’ para mabawasan ang banta na posibleng madala ng mga biyahero na maaaring magdulot ng lokal na pagkalat ng virus.

Pagpapalakas ng im­plementasyon ng ‘prevent-detect-isolate-reintegrate strategies’ para agad na matukoy at maihiwalay kung sino man ang dadapuan ng virus.

At pagpapalakas ng kapasidad pangkalusugan at ‘critical care’ para masagupa ang inaasa­hang surge ng mga kaso at matiyak din ang tama at napapanahon na panga­ngalaga sa mga pasyente.

“Ating pagtitibayin ang screening process sa borders para maiwasan ang pagpasok sa bansa,” ayon kay Dumama.

Show comments