^

Bansa

P1K pension sa seniors, sumalang na sa Senado

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
P1K pension sa seniors, sumalang na sa Senado
Sa sponsor speech ni Sen. Joel Villanueva, nag-sponsor ng Senate Bill 2506, umaasa siya na mula sa P500 ay magiging P1000 ang monthly pension ng mga indigent senior citizens bilang pagkilala sa kahalagahan ng mga nakakatanda at sa kontribusyon nila sa mga komunidad.
STAR / Mer Layson, File

MANILA, Philippines — Isinalang na sa plenaryo ng Senado ang panukalang batas na gawing P1,000 ang social pension ng indigent senior citizens mula sa P500.

Sa sponsor speech ni Sen. Joel Villanueva, nag-sponsor ng Senate Bill 2506, umaasa siya na mula sa P500 ay magiging P1000 ang monthly pension ng mga indigent senior citizens bilang pagkilala sa kahalagahan ng mga nakakatanda at sa kontribusyon nila sa mga komunidad.

Bukod sa increase sa social pension ng mga senior citizen, layon din ng panukala na magbigay ng opsyon bukod pa sa cash payouts para sa pension na makaabot sa mga target beneficiary at hindi sasagutin ng mga benepisyaryo ang transaction fee.

Sa konsultasyon ni Villanueva sa mga kasamahan at representante mula sa DSWD at Budget and Management, maging sa National Commission of Senior Citizens, Coalition of Services of the Elderly and Senior Citizens Sectoral Council, nagkasundo sila na ang kasalukuyang P500 monthly allowance ay hindi sapat para matugunan ang arawang pangangailangan  at gamot  ng mga mahihirap na senior citizens.

Kung ibabatay umano sa datos ng DSWD, aabot sa mahigit 3.8 milyon ang indigent Filipinos na may edad 60 at higit pa at sa P500 kada buwan, nasa P23.6 bilyon ang kasalukuyang allotment para sa social pension kada taon.

SENIOR CITIZEN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with