Duterte: Kung kulang pa ang nagawa ko, pasensiya na

Pangulong Rodrigo Duterte.
Philstar.com screengrab of President Rodrigo Duterte's Talk to the People

MANILA, Philippines — Humingi ng pasensiya si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nakukulangan pa sa kanyang mga nagawa sa nakalipas na anim na taon.

Ginawa ni Duterte ang pahayag sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng bagong head office building ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Barangay Ugong, Pasig City.

Sinabi ni Duterte na ilang araw na lamang ay bababa na siya sa puwesto at ibinigay niya ang kanyang “best” sabay hingi ng pasensiya kung mayroon pa siyang pagkukulang dahil hindi na talaga aniya niya kaya.

“In a few days I’ll be out. ‘Yung nagawa ko, para sa akin ‘yun na ‘yun. The best that my efforts can really achieve. Kung kulang pa ‘yun, pasensya na po at hindi ko na talaga kaya,” ani Duterte.

Sinabi ni Duterte na hindi naman siya nagpabaya kaya mayroon siyang mga hindi nagawa kundi sadyang maikli ang ani, na taon para matapos lahat ang mga proyekto.

“The things that I failed to do, mostly not because of negligence or my mga shortcoming ako but talagang time, six years would not be enough to finish all the projects,” ani Duterte.

Advertising
Scroll to continue

Sa huli ay nagpasa­lamat si Duterte sa lahat maging sa mga TV networks dahil sa naging tulong sa kanya sa nakalipas na anim na taon.

“Sa inyong lahat, lahatin ko na lang, pati ‘yang TV networks, hindi ko na lang i-mention basta lahat, maraming salamat po sa inyo. And your help in my journey in the six years na binigyan n’yo ako ng honor maging presidente ng pilipinas. Maraming, maraming salamat po,” ani Duterte.

Show comments