^

Bansa

‘No booster shot card, no entry’ sa Hunyo, malabo na

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
âNo booster shot card, no entryâ sa Hunyo, malabo na
Quezon City health workers are busy putting tamper-proof security seals into the vaccination cards at the city hall on July 10, 2021.
The STAR / Boy Santos

MANILA, Philippines — Suko na si Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion sa isinusulong niyang ipa­tupad ng gobyerno sa Hunyo ang “no booster shot card, no entry” sa mga papasok sa mga “enclosed establishment” pangontra sa pagtaas ng COVID-19.

Ayon kay Concepcion, marami ang hindi pumapayag na gawing mandatory ang pagpapa­kita ng booster shot card dahil kakaunti lamang ang nagpapaturok at mababawasan ang mga papasok sa mga establisimyento.

Pero ipinaalala ni Concepcion na nababawasan na ang bisa ng primary vaccines base na rin sa kanyang naging karanasan matapos kumuha ng antibody test.

“Now, sa unang mga bakuna, siyempre halos 80% na ang kumuha ng mga primary vaccines. Pero sa tingin ko, medyo nagwi-wane na rin iyan, Kasi ako, I took an antibody test, at after may first booster shots, ang laki ng bagsak niya after six months. So, tamang-tama ang sinasabi nila, after your booster shot, you ideally take between four months,” ani Concepcion.

Bagaman at naging “over confident” na aniya ang mga Filipino dahil mahina na ang nai-infect pero nakakaalarma ang posibleng pagtaas muli ng kaso ng COVID-19.

Ayon pa kay Concepcion marami naman ang bakuna sa bansa at mas mabuti nang magamit ito at maiturok kaysa manatili sa mga cold storage at masayang lang.

“So, I am appealing to our citizens na, if you really want to save the Phi­lippine economy and protect lives of people, kunin na natin iyong booster. Kailangan din natin iyan,” dagdag ni Concepcion.

 

 

JOEY CONCEPCION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with