^

Bansa

Imee, Chiz target din ang Senate presidency

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Imee, Chiz target din ang Senate presidency
Imee Marcos.
pna.gov.ph

MANILA, Philippines — Bukod kina Senate Minority Leader Juan Miguel Zubiri at Sen. Cynthia Villar, nais din nina Senators Imee Marcos at Chiz Escudero na maging Senate President sa 19th Congress.

Sa panayam kay Senator-elect Raffy Tulfo, apat na kasamahan niya ang nakausap niya tungkol sa pagkapangulo ng Senado.

Bukod kina Villar at Zubiri ay tumawag din sa kanya si Marcos at kamakalawa ng gabi sa naganap ng proclamation ay nakausap niya si Escudero. Sa kanilang pag-uusap ay tinanong umano niya kung balak din niyang tumakbong senate president at sinagot naman siya ni Escudero na pag-iisipan niya.

Habang hindi naman na pinalawig pa ni Tulfo kung gaano kalawak ang pinag-usapan nila ni Marcos.

Matatandaan na sinabi ni Sen. Sonny Angara na sina Marcos at Senator-elect Loren Legarda ay tinatarget naman ang pangalawang puwesto sa Senado na ang Senate president pro tempore.

Hindi binanggit ni Tulfo si Sen. Win Gatchalian, na personal na ibinunyag noong nakaraang linggo na tatakbo rin siya bilang Senate president.

Sa kabilang banda, nang tanungin si Tulfo kung sino naman ang kanyang ibobotong susunod na Senate Presidency ay hindi niya direktang sinagot at sa halip ay sinabi na ang iboboto niya ay walang business interest na pinoprotektahan o poprotektahan.

Si Tulfo ay kabilang sa mga baguhan na nakapasok sa “Magic 12” na pumangatlo sa nakaraang eleksyon 2022.

IMEE MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with