^

Bansa

‘Constitutional crisis’ posible kung mag-TRO ang SC sa Marcos DQ case

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbanta si Senate President Vicente Sotto III na magkakaroon ng krisis politika sakaling pagbigyan ng Korte Suprema ang petition na humihiling ng temporary restraining order (TRO) laban sa Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso para ituloy ang canvassing ng boto ni dating Senador Ferdinand Marcos Jr. at iproklama siya bilang presidente.

Sinabi ni Sotto na kung ganito ang mangyayari ay posibleng magkaroon ng constitutional crisis dahil ang Kongreso ay hindi na maaaring magkita pa matapos ang ?June 3.

Kaya tanong ng Senate president, sino ang magsasagawa ng canvass na minamandato ng Konstitusyon gayung ang Hulyo 25 ang petsa para sa Kongreso at kung walang Pangulo at ikalawang Pangulo ng hanggang Hunyo 30, ano ang maaring ipanukala dito.

Ang pahayag ni Sotto ay ginawa matapos na maghain ng TRO sa Korte Suprema ang martial law survivors, religious at youth rights advocates at ang Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law (Carmma) para ipatigil ang official canvassing ng boto para sa presidente at bise presidente.

Hiniling din ng grupo sa SC na baliktarin ang re­solusyon ng Commission on Elections (Comelec) at pagbigyan ang petition for disqualification laban kay Marcos.

Naniniwala naman si Senate Minority Leader Franklin Drilon na wala ng saysay ang petition dahil sa hindi mahahadlangan ng Kataas-taasang Hukuman ang Kongreso na siyang nauupo bilang National Board of Canvassers (NBOC) na gawin ang mandato nito sa ilalim ng Konstitusyon.

Ang Senado at Kamara ay nakatandang magsimula ng sesyon ?sa Mayo 23 matapos na mag-convene ang kongreso bilang NBOC para simulan ang opisyal na pagbibilang ng boto para sa Presidente at Bise Presidente.

TRO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with