^

Bansa

12 nanalong senador naiproklama na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iprinoklama na ng Commission on Elections na umuupo bilang National Board of Canvassers nitong Miyerkules, Mayo 18, ang 12 senador na nanalo sa nakalipas na May 9, 2022 National at Local Elections.

Alinsunod sa NBOC Resolution No. 002-22, iprinoklama na sina ­Senators-elect Robin Padilla, Loren Legarda, Raffy Tulfo, Sherwin Gat­chalian, Francis ‘Chiz’ Escudero, Mark Villar, Alan Peter ­Cayetano, Juan Miguel Zubiri, Joel Villanueva, JV Ejercito, Risa Hontiveros at Jinggoy Estrada.

Sa kanyang talumpati, ipinagmalaki ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan ang kanilang ‘very efficient and flawless Transparency Server’ ngayong eleksyon matapos lahat ng election result ay agad na natanggap matapos ang aktuwal na halalan.

“As we usher in a new set of leaders from the local government units up to the national positions, I am proud to say that the Commission on Elections has successfully defended the sovereign right of the people to the democratic process of elections,” pahayag ni Pangarungan.

Iginiit naman ng ­opisyal na ang tagumpay ng halalan ay hindi lamang bunsod ng kanilang pagsisikap kundi malaking papel ang ginampanan ng mga botante na matiyagang pumila.

“This is an election  with the lowest election-related violence of only 16 incidents compared to around 160 violent incidents in the 2019 elections,” dagdag ng opisyal.

Pasasalamat sa Comelec, sa kani-kanilang mga pamilya at sa taumbayan naman ang namutawi sa bibig ng lahat ng Senators-Elect sa pagbibigay ng pagkakataon sa kanilang makapaglingkod.

Kanya-kanyang pangako rin ang mga bagong senador na tutuparin ang kanilang mga ipinangako noong kampanya para sa kapakanan ng publiko.

2022 ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with