^

Bansa

Petition vs COC ni BBM, inakyat sa SC

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inakyat na sa Supreme Court ang isa sa mga petisyon na humihiling na kanselahin ang ‘certificate of candidacy (COC)’ ni presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., makaraang unang ibasura ito ng Commission on Elections (Comelec).

Hiniling din ng mga petitioner na sina Father Christian Buenafe, Fides Lim, Ma. Edeliza Hernandez, Celia Lagman Sevilla, Roland Vibal, at Josephine Lascano, sa SC na maglabas ito ng ‘temporary restraining order (TRO)’ sa isinasagawang pagbibilang ng National Board of Canvassers (NBOC) at ang proklamasyon kay Marcos.

Kabilang sa mga hiniling ng mga petitioner ay: bigyan ng tamang pagtrato ang kanilang petisyon; baligtarin ang resolusyon ng Comelec noong Mayo 10 at Enero 17 na nagbabasura sa kanilang petisyon; kanselahin at ideklarang ‘void ab initio’ ang COC ni Marcos at ideklara siya na hindi kailanman naging kandi­dato nitong nakaraang May 9 elections.

Hiniling din nila na ga­wing permanente ang TRO na ilalabas sa Kongreso at pigilan ito na magsagawa ng ‘canvassing’ ng mga boto para kay Marcos.

“Elections are more than a numbers game. The will of the people as expressed through the ballot cannot cure the vice of ineligibility. The balance must always tilt in favor of upholding and enforcing the law,” nakasaad sa petisyon.

Ibinasura kamakailan ng Comelec en banc ang ‘motion for reconsideration’ ng petisyon nina Buenafe dahil wala naman umanong inihayag na bagong ebidensya o isyu na maaaring magtulak sa kanila na baligtarin ang unang desisyon.

Hinikayat naman ni Comelec Commissioner George Garcia ang mga petitioner na iapela ang kanilang kaso sa SC kung hindi katanggap-tanggap sa kanila ang desisyon ng Comelec. Nag-inihibit si Garcia sa pagbababa ng desisyon sa mga petisyon dahil dati siyang election lawyer ni Marcos.

COC

SUPREME COURT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with