^

Bansa

Pharmally execs na ipinakulong ng Senado, makakalaya na

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Makakakalaya na sa Pasay City Jail sa susunod na buwan ang dalawang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na ipinakulong ng Senate blue ribbon committee na nag-imbestiga sa diumano’y maanomalyang pagbili ng COVID-19 medical supply na kinasasangkutan ng ­ilang opisyal ng Department of Budget and Ma­nagement (DBM).

Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na sa Hunyo 3 ay makakalabas na ng kulungan matapos ipa-contempt sina Mohit Dargani (secretary at trea­surer) at Lincon Ong, director ng Pharmally, dahil sine die adjournment na ng 18th Congress.

Sina Dargani at Ong ay nakapiit sa Pasay City Jail simula pa noong Nobyembre 2021.

Ito ay dahil ipinaaresto sila ng Senate blue ribbon committee dahil sa pagkabigong isumite ang financial documents na may kinalaman sa umano’y iregularidad sa pagbili ng pandemic response supply.

Matatandaan na ­inaresto ang magkapatid na Mohit at Twinkle Dargani, presidente ng Pharmally, habang papasakay ng eroplano patungong Malaysia noong Nobyembre 15, 2021.

Pinalaya naman si Twinkle mula sa kustodiya ng Senado noong Enero at inilagay sa house arrest ng blue ribbon.

PHARMALLY

SENADO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with