^

Bansa

Paghihigpit sa protocol ‘di na kailangan - health expert

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Paghihigpit sa protocol âdi na kailangan - health expert
A group of artists paints a mural in Marikina City yesterday in support of the presidential bid of Vice President Leni Robredo.
Walter Bollozos, File

MANILA, Philippines — Hindi na kailangang higpitan ang pagpapairal ng protocol laban sa COVID-19 kahit na may paglitaw ng bagong Omicron subvariant sa Pilipinas.

Ayon kay Dr. Edsel Salvaña, wala namang indikasyon sa ngayon na tataas ang kaso ng COVID na maaaring maging banta sa kalusugan ng maraming mamamayan.

“Sa ngayon, ang nakikita naman natin, hindi umaakyat ‘yung cases, okay naman ‘yung health care capacity, I don’t think kailangan maghigpit.Sa ngayon, minimal o low risk naman ‘yung health care utilization rate natin so I don’t think there’s any reason na maghihigpit tayo,” pahayag ni  Salvaña.

Mas mainam anya ay ang palagiang pagsunod ng publiko sa health standards tulad ng pagsusuot ng mask, pagpapabakuna kontra COVID, social distan­cing, at malinis na pangangatawan.

“The numbers remain manageable and even if the numbers increase, dahil sa antas ng pagbabakuna, ‘yung number of people developing severe and critical disease remain low. Hindi na talaga tayo babalik doon sa nagla-lockdown tayo,” dagdag ni Salvana.

Bigyang diin din nito na kahit na tamaan ng virus ang mga hindi bakunado ay mayroon namang mga gamot ngayon na maaaring maging panlunas sa sakit.                           

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with