^

Bansa

‘Unity’ tema ng 19th Congress

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
âUnityâ tema ng 19th Congress
Ginawa ni Majority Leader at 1st District Leyte Rep. Martin Romualdez ang pahayag bilang reaksyon sa pakikipagkamay ng pamangkin nito na si Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos kay ret. Comelec Commissioner Rowena Guanzon na naging hayagan ang pagbatikos noon kay presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Unity o pagkakaisa ang magiging tema ng 19th Congress sa pagpasok ng bagong administrasyon, ayon kay Majority Leader at 1st District Leyte Rep. Martin Romualdez na number 1 contender sa House Speakership.

Ginawa ni Romualdez ang pahayag bilang reaksyon sa pakikipagkamay ng pamangkin nito na si Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos kay ret. Comelec Commissioner Rowena Guanzon na naging hayagan ang pagbatikos noon kay presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Si Sandro ay panganay na anak ni BBM.

“So thats what we all are about. We are about the House of the people, the House of Representatives of the Phiippines. We are for every Filipino. No more colors no more politics work,” ayon kay Romualdez, Presidente ng  Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD).

Kasabay nito, nanawagan si Romualdez sa kaniyang mga kapwa mambabatas na kalimutan muna ang magkakaibang kulay ng pulitika upang mapagbuti ang trabaho para sa kapakanan ng mga Pilipino.

“Again we are following the theme, the message and the desire of the incoming administration of President Bongbong Marcos of unity,” pahayag ni Romualdez.

“Tapos na ‘yung eleksyon, tapos na ‘yung politika. Magtrabaho na tayong lahat, magkaisa na tayong lahat, isang bansa, isang Pilipino. Lahat-lahat tayo para sa Pilipino,” giit pa niya.

MARTIN ROMUALDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with