^

Bansa

Illegal e-sabong, naglipana - PAGCOR

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos suspindihin ng pamahalaan ang ope­rasyon ng e-sabong sa buong bansa, naglipana naman ngayon ang illegal online sabong.

Ayon kay PAGCOR E-Gaming Licensing and Regulation Vice-President Atty. Jose Tria, namonitor nga nila na naglabasan muli ang illegal e-sabong matapos suspindihin ang operasyon nito dahil sa utos na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang umano sa mga namamayagpag na iligal online sabong website ay ang pinassabong.live; pclive1.com; sabong-express.net; phbetting.live; goperya.com; phbet44.bet; phbet.bet; phbetr.bet.

Sinabi ni Tria, batid nila na kapag sinuspinde ang operasyon ng  online sa­bong ay mag-i-iligal operation ang iba  at sasamantalahin ang pagkakataon para kumita.

Ani Atty. Tria, nalulungkot sila na napupunta lang sa mga may-ari ng mga illegal e-sabong ang milyon-milyong kita nila araw-araw pero walang napupunta sa gobyerno.

Inihayag pa ni Atty. Tria na inimpormahan na nila ang mga awtoridad hinggil sa ilegal na operasyon ng e-sabong at ngayon ay naghihintay na lamang sila ng kanilang action.

“We have already informed the authorities. We are just waiting for their action,” aniya.

Inamin ng PAGCOR na daan-daang milyon ang kinikita nila sa e-sabong buwan-buwan at malaki ang naitulong nito sa pamahalaan lalo na noong kasagsagan ng pandemya.

Magugunita na noong nakalipas na buwan ay iniutos ng Pangulong ‘Digong’ sa PAGCOR na suspindihin ang e-sabong operation sa bansa dahil nakakasira na sa buhay ng maraming Pinoy.

PAGCOR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with