^

Bansa

Kaso ng COVID-19 patuloy ang pagbaba

Pilipino Star Ngayon
Kaso ng COVID-19 patuloy ang pagbaba
A group of artists paints a mural in Marikina City yesterday in support of the presidential bid of Vice President Leni Robredo.
Walter Bollozos, File

MANILA, Philippines — Bagaman may naitala nang kaso ng BA.2.12.1 Omicron sub-variant sa bansa, inihayag ng Department of Health na patuloy pa rin ang pagbaba ng kaso ng COVID-19.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na wala pa ring naiitalang pagtaas kahit saang panig ng bansa.

“Sa ngayon po, patuloy pa rin talagang bumababa ang mga kaso and as I’ve said kanina, wala ho tayong nakikita na significant increases in any part of our country,” ani Vergeire.

Mas mababa na rin aniya ang naitatalang kaso kumpara sa mga numero bago magkaroon ng Omicron variant.

Noon aniyang Disyembre ay nasa 254 ang naitatalang bagong kaso kada araw at nasa 146 na lamang ito mula Mayo 6-12.

Pero sinabi rin ni Vergeire na patuloy pa rin ang kanilang monitoring sa mga lugar na nagkakaroon ng kaunting pagtaas pero hindi naman ito nagiging dahilan para tumaas ang bilang ng mga naoospital.

Naniniwala si Vergeire na malaking tulong ang bakuna kaya napipigilan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 at ang patuloy na pagsunod sa health protocols.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with