^

Bansa

Bong Go: Smooth transition, tiniyak ni PRRD

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Senator Christopher “Bong” Go sa mamamayang Pilipino na gagabay ang administrasyong Duterte sa mga susunod na pinuno ng bansa upang matiyak ang tuluy-tuloy na paglilipat ng kapangyarihan.

“Maaga pa lang ay naghanda na ang Pangulo at ang kanyang transition team para sa maayos at sistematikong pagsasalin ng tungkulin,” sabi ni Go.

“Ang layunin ay para hindi maantala ang serbisyo ng pamahalaan at ipagpatuloy ang tulong para sa ating mga kababayan, lalo na sa mga higit na nangangailangan,” dagdag niya.

Ang executive department ay sumusunod sa utos ng Pangulo, ayon sa senador, upang matiyak na maayos ang lahat sa panahon ng transisyon.

“Maging ang iba’t ibang departamento ay nakapaghanda na rin dahil iyon ang utos ng ating Presidente sa kanyang Gabinete,” anang senador.

“Nakatitiyak ang mga bagong mauupong pinuno ng mga kagawaran at ahensya na daraanan nila ang kanilang mga opisina na nasa maayos na sitwasyon at handang gawin ang kani-kanilang mga mandato na naaayon sa direksyong tatahakin ng bagong administrasyon,” ayon kay Go.

Noong Mayo 10, nilagdaan ni Duterte ang Administrative Order No. 47 na nagtatatag ng Presidential Transition Committee para subaybayan ang paglilipat ng kapangyarihan sa susunod na pamahalaan at tiyaking maihahatid ang mga serbisyo publiko nang walang pagkaantala. Ang komite ay pamumunuan ni Executive Secretary Salvador Me­dialdea.

Naniniwala si Go na sa kabila ng katotohanan na ang halalan ay maaa­ring maging dibisyon, ang paggaling ay magaganap kalaunan at ang mamamayang Pilipino ay muling magsasama-sama.

BONG GO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with