^

Bansa

Loren nagpasalamat sa mga supporters, Antiqueños

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpasalamat si incoming senator Loren Legarda sa lahat mga Pilipino at mga ka-probinsiya sa Antique na sumuporta sa kanyang matagumpay na pagbabalik-Senado.

Ayon kay Legarda, iniaalay niya ang kanyang napipintong panalo sa halalan sa sambayanang Pilipino – lalo na sa mahihirap – na nangangarap nang mas maginhawa at payapang buhay at kinabukasan para sa kanilang mga pamilya’t anak.

“Makakaasa po kayong pagbubutihin ko pang lalo ang serbisyo at pagsusulong ng mga makabuluhang batas upang tugunan ang mabibigat na suliranin ng bansa. Masusulit at hinding-hindi po masasayang ang inyong tiwala,” aniya.

Kasalukuyang nasa ikalawang puwesto sa mga nangungunang Senador si Legarda batay sa paunang tabulasyon mula sa transparency server ng Commission on Elections. Maaala na dalawang ulit siyang naging topnotcher sa Senado noong 1998 and 2017 election at pangalawa naman noong 2013.

Labis ang pasasalamat niya sa mga kababayang Antiqueño na umano’y kanyang inspirasyon upang muling tumakbo bilang senador matapos ang tatlong taong paninilbihan bilang kinatawan ng lalawigan sa Kongreso.

LOREN LEGARDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with