^

Bansa

77 milyon target mabakunahan sa Hunyo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Target ng pamahalan sa COVID-19 vaccination program na mabakunahan ang 77 milyon o 85% ng targeted eligible population sa katapusan ng Hunyo ng taong ito.

“Our target would be 77 million individuals by the end of June. This is 85% of our targeted eligible population which is 90 million,” ani DOH Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa briefing.

Aniya, sa kasalukuyan ay naturukan na ng COVID-19 vaccines ang 68.5 milyong Pilipino kaya konti na lang at inaasahang mapagtagumpayang maabot ang target.

Iniulat niya rin na nakapagbakuna ng 7,407 indibidwal sa mga itinayong vaccination sites malapit sa polling precincts noong Mayo 9.

Nagsasagawa rin ng special vaccination day ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dahil mababa pa ang vaccination tur-out doon.

Tinutulungan din ng DOH ang Quezon sa Region 4-A, gayundin ang Regions 4-B, 5, 7, at 12 para mapataas ang antas ng pagbabakuna sa mga nasabing lugar.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with