^

Bansa

Mahihirap sa Malolos, San Ildefonso, Bulacan inayudahan ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbigay ng ayuda ang tanggapan ni Senator Christopher “Bong” Go, sa pakikipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development, para sa daan-daang mahihirap sa Lungsod ng Malolos at San Ildefonso, Bulacan.

Sa kanyang video message sa mga aktibidad na ginanap sa Sports Complex sa Malolos City at Barangay Garlang Covered Court sa San Ildefonso, ipinahayag ni Go ang kanyang pasasalamat sa DSWD sa pagpapaabot ng tulong pinansyal sa 1,200 Bulakeño na dumalo sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation.

Ang pangkat ni Go ay namigay ng mga pagkain at iba pang uri ng tulong sa bawat residente. Nagbigay din sila sa mga piling indibidwal ng mga bagong pares ng sapatos at computer tablet, gayundin ng mga bisikleta para sa pag-commute.

Hinikayat ng senador ang mga may problema sa kalusugan na bisitahin ang Bulacan Medical Center sa Malolos City o Rogaciano M. Mercado Memorial Hospital sa Sta.  Maria kung saan may mga Malasakit Center na magagamit para tulungan sila sa kanilang mga gastusin sa ospital.

Alinsunod sa kanyang pangako na magbigay ng maginhawang pag-access sa de-kalidad na panganga­lagang pangkalusugan, pangunahing inakda at itinaguyod ni Senador Go ang Republic Act No. 11463, o kilala bilang Malasakit Centers Act, na nag-uutos sa pagtatatag ng Malasakit Centers sa lahat ng mga ospital na pinamamahalaan at pinangangasiwaan ng Department of Health at ng Philippine General Hospital.

AYUDA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with