^

Bansa

Bintang na iregularidad sa halalan, kasinungalingan — NTF-ELCAC

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Bintang na iregularidad sa halalan, kasinungalingan â NTF-ELCAC
Citizens of Potrero, Malabon cast their votes at Potrero Elementary School on May 9, Wednesday.
Philstar.com/Deejae Dumlao

MANILA, Philippines — Pawang kasinungalingan lang umano ang mga paratang ng iregularidad sa halalan ng mga komunistang-terorista na idinaraan pa sa pekeng tagapagsalita na si Marco Valbuena.

Ayon kay National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC) acting Spokesperson ng Legal Affairs at Prosecutor 2, Flosemer Chris Gonzalez, ang iginigiit ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na dayaan at iregularidad sa halalan ay propaganda lamang upang udyukan ang taong bayan na sumama sa kanila.

Sinabi ni Gonzales na hindi gusto ng mga teroristang komunista ang pagkapanalo nina ­dating Senador Bongbong Marcos bilang ­pangulo at Davao city Mayor Sara Duterte-Carpio bilang bise presidente.

Batay sa nakalap na impormasyon, gagawin at sasamantalahin daw umano ng CPP-NPA-NDF ang sitwasyon upang makapag-recruit pa ng mga kabataang nabubulagan sa kanilang mga kasinungalingan.

Hahadlangan naman umano ito ng NTF-ELCAC upang mailigtas ang mga kabataan lalo na ang mga estudyante sa mga unibersidad na malinlang ng mga komunistang-­terorista.

ELECTIONS

NTF-ELCAC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user