^

Bansa

Supporters ng magkalabang mayor nagbarilan: 4 todas!

Joy Cantos, Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Habang nasa kampanya

MANILA, Philippines — Patay ang apat na aides o supporters ng magkalabang mayoral bets matapos ang pag-atake na humantong sa gun battle sa kasagsagan ng kanilang pangangampanya kahapon ng umaga sa Sitio Danglas, Barangay Labut, Magsingal, Ilocos Sur.

Dalawa sa mga napatay ay kinilala ng pulisya na sina Lerryphol Torda at Bagani Recto habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawa pang nasawi.

Sa ulat, dalawa sa kanila ay agad na nasawi sa insidente habang ang iba ay nalagutan ng hininga sa ospital.

Sa inisyal na imbestigasyon na bigla umanong inatake ng armadong grupo ng isang kandidato ang mga bahay ng mga aides ng isa pang kandidato dahil sa sinasabing isyu ng vote buying na humantong sa barilan.

Maraming nagkalat na basyo ng bala ng M16 assault rifle ang narekober ng mga awtoridad malapit sa van at motorsiklo na ginamit ng mga sangkot sa shootout.

Nabatid na ang sangkot sa matinding “political rivalry” sa bayan ng Magsingal ay ang nagbabalik na mayor na si Alrico Favis ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL) laban sa independent candidate na si Lorry Salvador Jr.

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with