^

Bansa

Robredo, umangat sa pinakahuling Truth Watch/ Mobilis survey

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Robredo, umangat sa pinakahuling Truth Watch/ Mobilis survey
In this photo taken on April 23, 2022, Vice President and opposition presidential candidate Leni Robredo speaks before thousands of supporters during a campaign rally coinciding with her birthday in Pasay City.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Ilang araw bago ang May 9 elections, isang grupo ng mga batikang propesor ang naglabas ng kanilang survey na kung saan ay dumami pa ang pumipili kay Vice President Leni Robredo para maging susunod na Pangulo ng bansa.

Mula sa 23 percent ay umangat si Robredo sa 32 percent habang si dating senador Ferdinand Marcos, Jr. ay nakakuha ng 55 percent.

Ang survey ay ginawa noong April 22-30 ng Truth Watch Philippines, Inc., na pinamumunuan ni Dante Velasco, propesor ng komunikasyon sa University of the Philippines.

Kasama ng Truth Watch ang Mobile Integrated Survey Research (Mobilis Research) sa paggawa ng survey.

Naniniwala si Velasco na hindi naman depinitibo at nagpapakita ng realidad ang Pulse Asia survey na ginawa mula Abril 14-21 na kung saan ay nasa 23% lang si Robredo,habang 56% pa rin si Marcos.

Sa katunayan, para kay Velasco, patas na ang laban nina Robredo at Marcos sa kabuuan, 2,400 na katao ang natanong sa Truth Watch/ Mobilis survey.

Pinaliwanag pa niya na sa halip na nagbahay-bahay ang grupo nila, ginawa nila ang survey sa karaniwang pinupuntahan ng mga tao, tulad ng istasyon ng LRT.

Halimbawa na dito sa sa istasyon sa may Antipolo kung saan tinanong nila ang 300 na mananakay at dito ay nakakuha si Leni ng 44% habang si Marcos ay 46% na ang ibig sabihin nito ay “statistical tie”.

Para kay Velasco, lumang istilo na ng pag-survey ang pagkatok sa mga bahay para magtanong ng kanilang opinyon sa pulitika, tulad ng kung sino ang pipiliin nila na susunod na Pangulo ng bansa.

Sa parehong panayam sa SRO, sinabi ni political analyst Dindo Manhit na ang laban ngayon sa pagka-Pangulo ay sa pagitan na lang nina Robredo at Marcos dahil masyadong malayo na ang ibang mga kandidato sa survey.

Patuloy pa rin ang laban ni Robredo, sabi naman ng kanyang tagapagsalita na si Barry Gutierrez.

LENI ROBREDO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with