^

Bansa

Catanduanes masusungkit ni Ping

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lumilinaw ang tsansa ni independent presidential candidate Panfilo Lacson na makapitas ng malaking bahagi ng boto ng Bicolandia partikular sa lalawigan ng Catanduanes taliwas sa mga ibinabalitang mayroon nang mabigat na sinusuportahang kandidato ang rehiyon.

Sa personal kasing pagdalaw ni Lacson sa bayan ng Virac, kapitolyo ng Catanduanes, na­ramdaman niya ang mainit na pagtanggap mula pa lamang sa courtesy call kay Mayor Sinfroso Sarmiento hanggang sa idinaos na townhall meeting sa Ca­tanduanes State University (CatSU).

“O magpapalit na ba kayo? Kailangan lang pala kayong dalawin ng perso­nal,” natatawa su­balit ser­yosong banggit ni Sarmiento matapos na magkagulo ang mga staff ng munisipyo sa pagpapalitrato kay Lacson nang ang kandidato ay dumating sa munisipyo ng Virac.

Hiling din ng alkalde na sana ay dumami pa ang makaalam ng Budget Reform Advocacy for Village Empowerment (BRAVE) na isinusulong ni Lacson para mas magkaroon ng tsansa ang mga mahihirap na lokal na pamahalaan na maingat ang antas ng pamumuhay sa kanilang mga lugar.

Ang BRAVE ay naglalayong direktang pagkalooban ng badyet ng pambansang pamahalaan ang mga lokal na pamahalaan mula sa lalawigan, lungsod, munisipyo at mga barangay para sa mabilisang paglikha ng mga proyektong magbibigay ng kita sa mga residente ng mga lugar.

Si Sarmiento ay sinasabing miyembro ng partido PROMDI pero dahil hindi nakapaglunsad ng tuloy-tuloy na pambansang kampanya ang hanay nito ay sinasabing kay Lacson na ang direksiyon ng pagsuporta nito.

Naging seryoso naman ang paksa ng usapan ni Lacson at ni Catanduanes Governor Joseph Cua tungkol sa plataporma ng presidential candidate sa pangangasiwa ng badyet, lalung-lalo na sa panahon ng pandemya.

At kagaya ng nangyari sa munisipyo ng Virac, pinagkaguluhan din si Lacson ng mga kawani ng kapitolyo at iba pang mga nagtungo doon para makita ang kandidato.

Dinagsa naman ang townhall meeting ni Lacson sa Catanduanes State University kung saan, nasa 2,000 kinatawan ng iba’t ibang sektor at residente ang dumalo.

PANFILO LACSON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with