^

Bansa

Ping ramdam na kaya siyang ipanalo ng mga tahimik, nag-iisip na mga botante

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Personal na nakatanggap ng mga bulong si presidential candidate Panfilo ‘Ping’ Lacson mula sa mga botante na tahimik at patuloy na sumusuporta sa kanya at sa running mate na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ngayong Halalan 2022. 

Isiniwalat ito ni Lacson sa kanyang talumpati sa mga residente at iba’t ibang sektor mula sa mga lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela (CAMANAVA) na kanilang nakadayalogo kahapon (Abril 28) sa Atis Covered Court ng Potrero, Malabon City. 

“Napakarami po nating mga silent supporters. Ang sabi nila, magugulat sila pagdating ng ?Mayo 9, nandiyan kami. Pagpunta namin sa polling booth, magugulat at magugulat sila, ang lalabas sa aming balota ‘Lacson-Sotto,’” pahayag ni Lacson sa kanyang town hall meeting. 

Ayon pa sa presidential candidate, saan man sila dumalaw ngayong panahon ng kampanya ay hindi nawawala ang mga lumalapit at kumakausap sa kanya para ihayag ang suporta nila sa tambalang Lacson-Sotto kahit hindi sila nagpapakita ng kanilang puwersa sa publiko. 

Ngayong 10 araw na lamang bago ang araw ng eleksyon, mas mahigpit na ang pangangampanya ng Lacson-Sotto kasama ng kanilang mga senatorial candidate upang mas marami pang sektor ang kanilang makausap para ipaliwanag ang mga plataporma nila tungo sa maayos na buhay ng mga Pilipino.

PANFILO LACSON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with