^

Bansa

'Coordinated operation?': Bunso ni VP Leni pinagsisigawan sa Baguio public market

James Relativo - Philstar.com

MANILA, Philippines — Kinundena ng One Baguio-Benguet Robredo People’s Council ang kumakalat na video kung saan pinagsisisigawan si Jillian Robredo — bunsong anak ni presidential candidate at Bise Presidente Leni Robredo — habang nangangampanya sa isang palengke sa Kordilyera.

Bandang 3 p.m. ng Martes nang ikampanya nina Jillian at volunteers ng OBB-RPC si VP Leni nang biglang pagsisigawan ang kanilang grupo habang inuutusan silang, "Huwag humarang." Nag-viral ang naturang video matapos ang insidente.

 

 

"A member of the group tried to pacify him [heckler], and the other volunteers expressed their apologies for the inconvenience, but instead of being pacified, he screamed even louder, 'Dayuhan ka lang dito, kami Igorot kami!'" sabi ng statement ng OBB-RPC, Miyerkules.

"Contrary to the comments to the comments on social media, the verbal attack was unprovoked, and the edited/spliced videos that show otherwise do not indicate what truly happened."

Ikinalulungkot ng grupo ang nangyari lalo na't gumawa raw ito ng masamang imahen ng mga katutubong Igorot at mga residente ng Lungsod ng Baguio.

Aniya, lumilikha raw kasi ito ng impresyon na hindi welcome ang mga dayo sa lugar gayong kilalang tourist destination ito. Bagama't iba't iba ang wika ng mga taga-Baguio ay matagal naman na raw silang kilala sa magiging magiliw sa mga bisita.

"This individual's unacceptable behavior should not be seen as the norm," dagdag ng grupo.

"Ms. Jillian and the rest of the group did not engage anymore and left the public market. One of the vendors from the market followed them and expressed her apology in behalf of the people in the market."

 

 

Kanina lang nang ikadismaya ni Baguio City Councilor Mylen Yarananon ang insidente, na noo'y sinasamahan pa si Jillian. Dagdag pa niya, "papansin" daw kung sinong gumawa nito lalo na't wala raw katutubong tahasang magsasabing "Dayuhan lang kayo, Igorot ako."

 

 

'Tuloy sa house-to-house, mga palengke'

Tila hindi naman ininda ni Jillian ang nangyari at sinabing hindi mapipigilan ng insidente ang kanilang pagbabahay-bahay at pagsuyod sa mga palengke.

"Gandang umaga. Tuloy-tuloy lang po ang H2H at palengke runs," wika ni Jillian sa kanyang Twitter account kaninang umaga.

"Puso sa puso. Last 12 days. Focus tayo."

Ayon sa grupo, hindi ito ang unang beses na nangyari ang insidente sa lugar, na siyang "unacceptable" at "coordinated operation" gaya na lang sa mga kaalyado ni Robredo na sina Sen. Risa Hontiveros noong Disyembre 2021.

Sa kabila nito, isolated incident pa rin daw ito at posibleng "sinadya" upang madiskaril ang kampanya ni Robredo, na kasalukuyang ikalawa sa pre-election surveys.

"We will continue with our Grand Rally on May 2, 2022. We hope and pray that on that day, the people of the Cordilleras will come out to show who and what we really are — a warm, loving and respectful people," kanilang panapos.

Kamakailan lang nang magpatulong si Aika Robredo, kapatid ni Jillian, sa National Bureau of Investigation, matapos naman kumalat ang mga URLs at links na nagsasabing may malalaswa siyang video.

2022 NATIONAL ELECTIONS

BAGUIO

LENI ROBREDO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with