^

Bansa

Pharmally execs, 6 buwan nang nakakulong ng walang kaso – Topacio

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Pharmally execs, 6 buwan nang nakakulong ng walang kaso â Topacio
Sa isang mahabang tweet ay inilabas ni Topacio ang sama ng loob sa patuloy na paglabag sa due process at kawalang pakialam ng Senado sa kalagayan nina Pharmally Director Linconn Ong at Pharmally Secretary Mohit Dargani na matapos kasuhan ng contempt at ipakulong noong nakaraang taon sa isang Senate investigation ay hinayaan nang mabulok sa kulungan dahil abala na ang mga senador sa pangangampanya.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Dismayado si Atty. Ferdinand Topacio sa patuloy na pag-iisnab ng Senado sa kaso ng dalawang Pharmally Executives na 6 na buwan nang nakakulong sa Pasay City Jail nang walang kinahaharap na criminal case.

Sa isang mahabang tweet ay inilabas ni Topacio ang sama ng loob sa patuloy na paglabag sa due process at kawalang pakialam ng Senado sa kalagayan nina Pharmally Director Linconn Ong at Pharmally Secretary Mohit Dargani na matapos kasuhan ng contempt at ipakulong noong nakaraang taon sa isang Senate investigation ay hinayaan nang mabulok sa kulungan dahil abala na ang mga senador sa pangangampanya.

Sina Senate President Tito Sotto at Sen. Panfilo Lacson ay una nang nagsabing pabor silang palayain na ang dalawa dahil nakarecess na ang Senado at tapos na ang kanilang imbestigasyon sa Pharmally mess subalit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nagpapalabas ng clearance para sa kanilang paglaya si Senate Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Dick Gordon na siyang may hurisdiksyon sa isyu.

Ayon kay Topacio, nagpasaklolo sila sa CA at ­naghain ng habeas corpus petition dahil sa illegal detention subalit nakakalungkot na inupuan din ito ng ilang buwan ng appellate court, ani Topacio.

Sinabi ni Topacio na umaasa silang maaksyunan na ang petisyon dahil hindi lamang ang kalagayan ng kanyang kliyente ang nakasalalay dito kundi maging ng pamilya ng mga ito.

PHARMALLY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with