^

Bansa

Panelo pinaiyak ang netizens sa bagong music video

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nilabas na ng Viva Records noong Easter Sunday (Abril 17) ang official music video ni Sal Panelo ng kanyang version ng “Sana’y Wala Nang Wakas”.

Matatandaan na sumikat muli ang kanta dahil pinuna ni Sharon Cuneta si Panelo ng kantahin niya ito sa isang campaign event para kay Davao Mayor Sara Duterte. Pinaliwanag naman ni Panelo na inaawit niya ito dahil naaalala niya sa kanta ang pagmamahal niya sa kanyang yumaong anak na si Carlo na may Down Syndrome.

Ayon sa video, handog ito ni Panelo sa mga batang may kapansanan o children with disability (CWD) at ang kanilang mga malabaya­ning magulang at guardian.

Sa isang statement, sinabi ni Panelo na tumatakbong Senador sa ilalim ng PDP Laban, na angkop ang mga kataga ng kanta sa walang pasubaling pagmamahal ng magulang sa anak, lalo na sa anak na CWD.

Inulan ng papuri si Pa­nelo ng netizens sa kanyang post ng music video sa Facebook. Marami ang nagsabi na naiyak sila sa pag-awit at sa bagong mensahe ng kanta na pinahiwatig ni Panelo.

Kasama sa plataporma ni Panelo sa Senado ang pagbigay pansin sa CWDs. Itinutulak niya ang magkaroon ng libreng special education at therapy para sa CWDs, at ang pagtatayo ng mga nursing home para sa naulila o na-abandona na CWDs.

EASTER SUNDAY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with