^

Bansa

DepEd: Walang pasok mula May 2-13 sa public schools 'dahil sa halalan'

James Relativo - Philstar.com
DepEd: Walang pasok mula May 2-13 sa public schools 'dahil sa halalan'
Students of Pedro Cruz Elementary School in San Juan City attend their first day of the limited face-to-face classes on Monday, December 06, 2021.
The STAR / Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Suspendido ang mga klase mula Kinder hanggang Grade 12 sa buong Pilipinas sa halos kalahati ng buwan ng Mayo kaugnay ng ikakasang pambansang eleksyon 2022, ayon sa Department of Education (DepEd).

"Walang pasok ang mga mag-aaral sa lahat ng antas sa mga pampublikong paaralan mula May 2-13, 2022," paalala ng Kagawaran sa publiko, Lunes.

"Ayon ito sa DepEd Order No. 29, s. 2021, na naglalaan sa mga nasabing araw para sa National Election-related Activities ng mga guro at kawani ng DepEd."

 

 

Ito ay kahit na sa ika-9 ng Mayo lang ang aktwal na botohan para sa local at national positions, na karaniwang gumagamit ng mga silid-aralan ng mga paaralan bilang voting precinct.

Sa kabila nito, kailangan pa ring pumasok sa eskwelahan ang mga teacher sa mga naturang petsa kahit sa mga araw na wala silang gawain kaugnay ng botohan.

"Ang mga guro ay inaasahan pa ring mag-report sa kanilang paaralan sa mga araw na walang election-related duties o activities," banggit pa ng kagawaran ngayong umaga.

Unfair sa mga guro?

Hindi naman natuwa ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa naturang kautusang ito ng DepEd. Tinawag pa nga nilang "ridiculous" ang pwersahang on-site work.

"Even DepEd's own school calendar marked the period from May 2–13 as non-school days, and therefore should also not be considered as workdays for teachers," sambit ng mga progresibong teacher kanina.

"Should DepEd proceed to mandate non-BEIs to report to school for the exigency of service, the department must guarantee them 1.25 service credits and include a provision for such in the official memorandum for said extra days of work. "

 

 

Aniya, dagdag lang daw ang pagpapapasok sa mga guro on-site kahit suspendido ang mga klase sa mga "walang katuturan" at hindi kinakailangang pasaning ipinasa ng DepEd sa nakaraang dalawang taon ng COVID-19 pandemic.

Ngayong araw nga lang daw ay ni-require ang mga teacher sa Metro Manila na mag-report on-site kahit na iilang paaralan pa lang ang pinapayagang sumali sa face-to-face classes, bagay na nagpapahirap daw sa online teaching dahil sa kakulangan ng imprastruktura,

"Of course, we can't forget how teachers were made to render services months before classes were allowed to resume in 2020, then denied up to this day due compensation for the extended 77 work days for that particular school year," sabi pa ng ACT.

"We urge DepEd to review the nature of teachers' jobs and heed the many issues being raised before them, instead of hashing out senseless orders that serve no clear and justifiable purpose."

2022 NATIONAL ELECTIONS

ALLIANCE OF CONCERNED TEACHERS

DEPARTMENT OF EDUCATION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with