^

Bansa

Comelec sa 'pre-shaded' OFW ballots: Kung wala sa minutes, fake news

James Relativo - Philstar.com
Comelec sa 'pre-shaded' OFW ballots: Kung wala sa minutes, fake news
Filipinos based in Hong Kong fall in line hoping to cast their votes on the first day of the overseas voting period.
Philippine Consul General to Hong Kong Raly Tejada

MANILA, Philippines — Pinabulaanan ng Commission on Elections (Comelec) ang bali-balitang "may marka na" ang ilang balotang ibinigay sa ilang botante sa pagsisimula ng overseas absentee voting ng mga Pinoy abroad.

Lunes kasi nang ibalita ng Singapore-based voter na si Cheryl Abundo na may shade na agad ang nakuha niyang balota nang boboto sana para sa 2022 national elections. Bandang 9 a.m. daw nang mangyari ang insidente.

"Kakatapos lang bumoto sa embahada. The ballot I received came pre-shaded. Nang binalik ko para palitan, ito raw ay spoiled ballot from yesterday," wika niya sa isang social media post kanina.

"It could be an honest mistake pero hindi dapat inaallow na mangyari ang mga ganitong pagkakamali. Be vigilant and report to the watchers and marshalls if it also happens to you."

 

 

Sinabihan naman daw siya ng poll watcher na na sinabihan ng reklamo na vinoid at minarkahan na ang barcode ng ibinalik niyang balota.

Nababahala tuloy ang maraming botante sa ngayon na maaaring may nangyayari nang dayaan sa eleksyon bago pa man ang Mayo, kung kailan ikakasa ito sa Pilipinas mismo.

Ayon naman sa Philippine Embassy in Singapore, "isolated incident" lang daw ang nangyari. Gayunpaman, pinabulaanan nila ang ilang "unverified sources" na maraming pre-shaded ballots ang naipamahagi.

"It has come to the attention of the Philippine Embassy that some unverified sources allege that pre-shaded ballots have been given to voters who came to the Embassy to cast their vote today. This is not true," ayon sa embahada.

"The Embassy is aware of only one (1) incident wherein one (1) spoiled ballot from yesterday's voting exercise was inadvertently and unintentionally given to a voter this morning. This was subsequently recorded in the official OVF No. 11-A (Minutes of Voting for AEWS Voting Posts)."

 

 

Comelec: Wala sa minutes? Fake news

Sa isang press briefing kasama ang media, sinabi ni Comelec commissioner George Garcia na wala pa raw silang natatanggap na opisyal na ulat pagdating sa reklamo ng pre-shaded na balota.

"Wala po kaming natanggap na report kahit sa ating post, kahit na kaming mga opisyal natin dun sa Singapore and therefore, fake news po iyun. May kumakalat rin po na sa Dubai daw meron ding [pre-shaded ballot]," ani Garcia kanina.

"[M]eron kasing tinatawag na minutes of voting. Ang tanong ko, and baka ika-countercheck ko kung totoo ang sinasabi niya, 'yun bang pre-shaded na balota at 'yung incident na 'yun, na-report ba 'yun sa minutes of voting?"

"Kasi kung walang na-report sa minutes of voting at wala ring nakita 'yung watcher... isa lang ang ibig sabihin: hindi po totoo 'yung sinabi niya [nag-aakusa]."

Ibeberipika raw ngayon ni Garcia kung talagang naiulat ito sa minutes. Kung wala raw kasi, ibig sabihin ay walang nagreklamo.

Nananatiling "best evidence" daw ng mga kaganapan ng eleksyon ang mga naturang minutes, kung kaya't mahalaga raw na nailagay ito kung totoo.

"I’m verifying with the poll watcher I reported to if it was included in the minutes. I also sent an email to comelec and the embassy," sabi ni Abundo sa panayam ng Philstar.com.

"Pinapabasa raw niya yung minutes and she’ll update me."

'Magreklamo bago bumoto, 'wag pagkatapos'

Pinayuhan naman ni Comelec commissioner Marlon Casquejo ang lahat na i-report agad-agad sa otoridad kung makakikita ng iregularidad ang mga botante para madaling maaksyunan ang isyu. 

"Kapag nakita na ng botante na may shaded ballots na, hindi na dapat tatanggapin ni botante 'yon. So automatic dapat ire-report niya agad... Sasabihin niya, 'Maam/sir, may shade na po 'yung balota. Bakit ganoon?'" dagdag ni Casquejo.

"Kapag umalis na si botante without any opposition as to the ballots, then there is a presumption already na malinis 'yung balota na natanggap niya. Kapag pumunta na siya sa voting booth... Tapos binalik niya, sasabihin niya pre-shaded na ito, may nakasulat na, hindi na katanggap-tanggap 'yun na rason."

Ayon kay Abunda, sinabi niya raw ito sa poll watchers sa site matapos bumoto. Sambit naman ng Casquejo, karaniwan ay sinusulatan ng "spoiled" ang balota kung nanggaling ito noong mga nakaraang araw pa.

Linggo nang magsimula ang overseas absentee voting sa ibayong dagat. Tinatayang nasa 1.6 milyong botanteng Pinoy ang rehistrado sa ibang bansa. Matatandaang nasa 2 milyong Pilipino ang umuwi ng bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

2022 NATIONAL ELECTIONS

COMMISSION ON ELECTIONS

DUBAI

SINGAPORE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with