^

Bansa

COVID-19 sa Pinas ’di bumababa, hindi na rin tumataas

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 sa Pinas �di bumababa, hindi na rin tumataas
Commuters queue for the free ride at the MRT-3 North Avenue Station in Quezon City on Monday morning, March 28, 2022. The MRT-3 offers free rides to commuters for a month, from March 28 to April 30, following the completion of the rehabilitation project of the train system and as part of the government's effort to help ease the commuters' financial burden.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — “Nag-plateau.”

Ito ang salitang ginamit ni Dr. Guido David, isang eksperto mula sa OCTA Research sa paglalarawan sa bilang ng COVID-19 na naitatala araw-araw sa Pilipinas.

Ayon kay David, na­pan­sin niya na nagkaroon ng “plateau” sa bilang ng mga bagong kaso na bagaman at hindi tumataas ay hindi rin naman bumababa.

Ang 7-araw na average aniya ng bagong kaso ay napako sa 342.

Pero ipinaalala pa rin ni David sa publiko na mag-ingat dahil mayroon pa ring virus kaya mahalagang panatilihin ang minimum health standards at kung maaari ay magpaturok na ng booster shots.

Ipinaalala rin ni David na sa paglipas ng araw ay bumababa ang immunity at level ng antibodies sa katawan na posibleng maging dahilan nang hawahan o pagdami ng kaso.

“Kailangan pa rin nag-iingat, kailangan pa rin nagpapabakuna at nagpapa-booster shots. ’Yung mga kababayan natin kasi ang alam natin ay humihina ’yung ating immunity.

After some time bumababa ’yung level ng antibodies sa mga ibang tao kaya para maprevent ’yung pagdami ng kaso lalo na kung may makapasok dito na isa sa mga subvariants o ’yung tinatawag nila na mga recombinant tulad ng XE na nakita na sa Thailand, para hindi magkaroon ng pagdami ng kaso ng mga ganoon dito mas maganda na protektado tayo,” dagdag ni David.

Nagbabala rin si David na posibleng magkaroon nang pagtaas sa bilang ng kaso pagkatapos ng eleksiyon.

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with