^

Bansa

21 lugar pinaluwag na rin lalo sa Alert Level 1, ayon sa Malacañang

James Relativo - Philstar.com
21 lugar pinaluwag na rin lalo sa Alert Level 1, ayon sa Malacañang
File photo ng mga taong nakatipon habang nagsusuot ng face masks laban sa COVID-19
The STAR/Walter Bollozos, File

MANILA, Philippines — Nadagdagan pa ang bilang ng mga lugar na inilagay sa Alert Level 1, na siyang pinakamaluwag na sistema pagdating sa restrictions ngayong COVID-19 pandemic sa Pilipinas.

Ayon kay acting presidential spokesperson Martin Andanar, Biyernes, napagdesisyunan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na isailalim sa naturang curbs ang:

  • Mountain Province
  • Southern Leyte
  • Misamis Oriental
  • Buguias, Benguet
  • Atimonan, Quezon
  • Tiaong, Quezon
  • Santa Magdalena, Sorsogon
  • City of Masbate
  • Batas, Iloilo
  • Iloilo, Zarraga
  • City of Talisay, Cebu
  • Javier (Bugho), Leyte
  • La Paz, Leyte
  • Maslog, Easter Samar
  • Paranas, Samar
  • Linamon, Lanao del Norte
  • Calamba, Misamis Occidental
  • Padada, Davao del Sur
  • Sibagat, Agusan del Sur
  • Tubajon, Dinagat Islands
  • Cagdianao, Dinagat Islands

"This Alert Level 1 status in the abovementioned areas shall take effect tomorrow, April 9, 2022 until April 15, 2022," dagdag pa ni Andanar sa isang pahayag sa media.

"All other provisions as to the Alert Level of provinces, highly urbanized cities, independent component cities, component cities and municipalities under IATF Resolution No.165-E not affected by the mentioned Alert Level classification shall remain in effect until April 15, 2022."

Una nang inilagay ang Metro Manila atbp. lugar sa bansa sa Alert Level 1 kasabay ng patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas habang sinusubukang palakasing muli ang napinsalang ekonomiya ng lockdowns.

Sa ilalim ng naturang quarantine classification, papayagan ang halos lahat ng mga establisyamento, aktibidad at lugar sa 100% capacity. Gayunpaman, kailangan pa ring sumunod sa minimum public health standards ang lahat gaya na lang ng pagsusuot na face masks.

Ngayong linggo lang nang sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya pabor sa ideyang lalong paluwagin ang bansa patungo sa "Alert Level 0," klasipikasyong pinag-uusapan kung tatanggalan na ba ng restrictions gaya ng face masks.

Una nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na malamang sa malamang ay manatili ang Alert Level 1 sa Pilipinas hanggang magtapos ang termino ni Digong. — may mga ulat mula sa The STAR

COVID-19 PANDEMIC

IATF

MARTIN ANDANAR

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with