^

Bansa

DOH: Alert Level 1 'malamang' manatili sa pagtatapos ng termino ni Duterte

Philstar.com
DOH: Alert Level 1 'malamang' manatili sa pagtatapos ng termino ni Duterte
Railway personnel check Covid-19 coronavirus vaccination cards of passengers boarding a train at a station in Quezon City, suburban Manila on January 18, 2022, as the Philippine government banned unvaccinated people from using public transport amid a record surge in coronavirus cases.
AFP/Maria Tan, File

MANILA, Philippines — Hindi malayong manatili ang Alert Level 1 hanggang magtapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa COVID-19, ayon sa pagtataya ng Department of Health (DOH).

Sinabi ito Health Secretary Francisco Duque III, Huwebes, kahit na una niyang nabanggit ang posibilidad ng lalong pagluluwag patungo sa "Alert Level Zero" kung patuloy na bababa ang bilang ng mga mahahawaan ng nakamamatay na virus.

"Alert Level 1 muna tayo malamang hanggang sa katapusan ng termino ng ating Pangulong Duterte [ngayong 2022]," ani Duque sa panayam ng state media sa Laging Handa briefing.

"But of course, hindi naman 'yan pinipigilan na pag-aralan na ang mga hakbangin sa hinaharap."

Una nang sinabi ng DOH na pag-uusapan pa ng gobyerno kung anu-ano ang mga panibagong health protocols oras na ibaba sa Alert Level 0 ang iba't ibang parte ng bansa. Ilan sa mga tinitignan ay kung hindi na ire-require dito ang pagsusuot ng face masks laban sa COVID-19.

'Huwag agad magtanggal ng mask'

Martes lang nang sabihin ni Metro Manila Development Authority general manager Frisco San Juan Jr. na gusto nilang panatilihin ang pagsusuot ng face masks kahit na i-deescalate ang iba't ibang bahagi ng Pilipinas sa Alert Level 0.

"'Yang usapin na 'yan ay binubuo pa lang. Para sa akin, 'yan ang pinakamamahirap sagutin na katanungan. Tatanggalin na ba natin ang face mask?" patuloy pa ni Duque.

"Tingin ko hindi pa panahon para magtanggal ng face mask, at matuto tayo sa karanasan ng mga iba't ibang bansa sa Europa kung saan mabilisan tinanggal nila ang mask mandates. Oh kita mo, naglipana na naman ang mga kaso [sa] Austria, ang Denmark, ang Germany, ang France. Gusto ba natin matulad sa kanila? Ayaw natin."

"Konting pasensya, pinag-aaralan po 'yan. Darating at darating ang panahon, kung kinakailangang magtanggal ng mask, eh bakit naman hindi? Pero para sa ngayon, masyado pang premature. Masyado pang maaga."

Miyerkules lang nang palawigin ang Alert Level 1 sa National Capital Region maliban pa sa 47 iba pang mga lugar, bagay na magtatapos hanggang ika-31 ng Marso.

Kahapon nang sumadsad sa 393 lang ang bagong COVID-19 cases sa Pilipinas, ayon sa datos ng pamahalaan. Kaugnay niyan, 3.67 milyon na ang tinatamaan ng naturang karamdaman sa bansa. Sa bilang na 'yan, pumanaw na ang nasa 57,735 katao.

DEPARTMENT OF HEALTH

FACE MASK

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with