^

Bansa

National Vaccination Day ititigil na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
National Vaccination Day ititigil na
A medical worker prepares a BioNtech-Pfizer Covid-19 coronavirus vaccine at a colisium in Makati City, suburban Manila on November 29, 2021, as the Southeast Asian nation launched a three-day vaccination drive targeting nine million people as young as 12 in an effort to accelerate the roll-out of jabs, amidst the threat of heavily mutated coronavirus variant Omicron.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Plano ng Department of Health (DOH) na itigil na ang pagdaraos ng COVID-19 National Vaccination Days (NVDs) dahil sa mababang resulta sa mga huling pagsasagawa nito.

Ayon kay Health Undersecretary at National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson Myrna Cabotaje, tututok na lamang ang pamahalaan sa bakunahan sa mga lugar na mayroon pa ring mababang vaccination coverage.

“Baka hindi na tayo magkaroon ng National Vaccination Day. Mas focus na sa mga probinsya na kailangan ng tulong, doon ibubuhos, hindi na parang general na lahat na,” ayon kay Cabotaje.

May mga lugar na umano na nakaabot na sa 70% ang vaccination coverage para sa general population at senior citizens kaya ang mga lugar na kokonti pa lamang ang nagpapabakuna ang kanilang tututukan.

Apat na ulit nang nagdaos ng nationwide vaccination drive ang pamahalaan, na tinawag na “Bayanihan, Bakunahan,” sa layuning mas maraming mamamayan ang maprotektahan laban sa COVID-19.

Ang ikaapat na bugso nito ay idinaos mula Marso 10-12, ngunit bigo ang pamahalaan na maabot ang kanilang target na 1.8 milyon vaccine recipients.

Dahil dito, pinalawig pa ang naturang Bakunahan 4 hanggang nitong Marso 15, para sa general population habang pinahaba rin ang bakunahan sa mga senior citizen hanggang Marso 18.

COVID-19 VACCINATION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with